Successfully reported this slideshow.
We use your LinkedIn profile and activity data to personalize ads and to show you more relevant ads. You can change your ad preferences anytime.

Kabihasnang hindu

Kabihasnang Hindu

  • Login to see the comments

Kabihasnang hindu

  1. 1. Ang India o opisyal na tinutukoy na Republika ng India (international: Republic of India) ay isang bansang matatagpuan sa Timog Asya. Ito ay ang ikaapat na pinakamalaking bansa sa buong mundo ayon sa lawak ng teritoryo. Ang mga karatig-bansa ng India ay ang: Tsina, Pakistan, Bhutan, Myanmar, Nepal at Bangladesh. Ang mga pinakamahahalagang lungsod ay Mumbai (dating Bombay), New Delhi, Kolkata (dating Calcutta), at Chennai (dating Madras).
  2. 2.  Umusbong noong 2500 BCE sa India.  Sumibol sa Lambak Indu (Indu River) na bahagi na ng Pakistan ngayon.  Umunlad ang lungsod ng Mohenjo-Daro at Harappa.  Sinasabing ang mga Dravidian ang bumubuo sa Kabihasnang Hindu.
  3. 3.  Natuklasan ang dalawang lungsod na ito noong 2700 BCE.  Malalapad ang kalsada nito.  Ang mga gusali ay hugis parisukat at ang mga kabahayan ay may malalawak na espayo.  Ang pagkakaroon ng palikuran ng mga bahay ay maituturing na kauna-unahang paggamit sa kasaysayan ng sewerage system.
  4. 4.  Tila dalawang tatsulok na pinagdikit.  Ang maliit na tatsulok ay nakaturo sa kabundukan ng Hilagang Asya.  Ang malaki naman ay nasa Indian Ocean.
  5. 5.  Madalas tawaging subcontinent hinihiwalay nito ang mga kabundukan, kaya maituturing itong halos hiwalay na kontinente.  Makikita ang halos lahat ng anyong tubig at lupa dito dahil sa laki ng sakop nitong lupain sa Asya.  Apat na Rehiyon sa India – Kapatagan ng Indus (Ganges), Deccan Plateau, Kabundukan sa Hilaga, at Baybaying Gilid.
  6. 6.  Naninirahan sa maliliit na pamayanan ang mga Dravidian kung saan mainit ang klima kaya naman wala silang mapagkunan ng suplay ng bakal.  Ang pagtugon sa mga kakulangang ito ay ang kanilang pakikipagkalakalan hanggang sa katimugang bahagi ng Baluchistan. (kanluran ng Pakistan.
  7. 7.  Sa pakikipagkalakalan sa loob ng ilang libong taon, sila ay nakalikom ng maraming suplay ng bakal, mamahaling bato, at tabla. Kapalit nito ay ang kanilang produkto tulad ng bulak at tela.  Ang irigasyon ng lupa ay mahalaga sa mga Dravidian.  Sila rin ay nag-aalaga ng elepante, tupa at kambing.
  8. 8.  Pinaniniwalaan rin na sila ang unang nagtanim ng bulak at unang nakagawa ng damit mula dito.  Mayroon silang masistemang paraan ng pagtitimbang at sukat ng butil at ginto.  Ang mga artisano ay gumagamit ng tanso, bronze at ginto sa kanilang mga gawain.
  9. 9.  Ang mga Aryan ay nagtungo sa Kanluran ng Europe at timog-silangan at Persia at India.  Dinala nila ang wikang ngayon ay tinatawag na Indo-European.  Ang Sanskrit, ang wikang klasikal ng panitikan Indian ay nakapaloob sa Indo-European.
  10. 10.  Ang salitang “arya” ay nangangahulugang “marangal” sa wikang Sanskrit.  Ginamit ito upang tukuyin ang pangkat o lahi ng tao.  Dinala ng mga Aryan ang kanilang mga diyos ay kulturang pinangingibabawan ng mga lalaki.
  11. 11.  Kalaunan ay naging pagsasaka na ang pangunahing kinabubuhay ng mga tao sa India at hindi na pagpapastol.  Nabuo rin ang sistemang pagsusulat.  Pagsapit ng 1100 BCE, tuluyang nasakop ng mga Aryan ang hilagang bahagi ng India.
  12. 12.  Nang lumaon, nabuo ang sistemang caste sa India. Ang katagang ito ay ginamit ng mga Portuguese na nakarating sa India noong ika-16 na siglo. Ito ay hango sa salitang “casta” na nangangahulugang lahi o pangkat.
  13. 13. PAGKATATAG Noong 322 BCE, nasakop ni Chandragupta Maurya ang dating kaharian ng Maganda at tinungo ang mga naiwan na lupain ni Alexander. Sakop ng imperyong ito ang hilagang India at kasalukuyang bahagi ng Afghanistan. MAHALAGANG PANGYAYARI 1. Ang kabisera ay nanatiling Pataliputra. 2. Si Kautilya ang ma-akda ng Arthasastra na naglalaman ng kaisipan sa pangangasiwa at politika. 3. Si Asoka ang namuno sa maraming labanan at sinunod ang mga turo ni Buddha. PAGBAGSAK Nagsimulang humiwalay sa imperyo ang ilang estado mula sa kabisera. Sa pagbagsak nito, nagtagisan ang mga estado sa India. Sa sumunod na 5 siglo, ang hilaga at gitnang India ay nahati sa maliit na kaharian at estado.
  14. 14. PAGKATATAG Ang pangalang ito ay hango sa naunang imperyo. Itinatag ito ni Chandra-gupta I. MAHALAGANG PANGYAYARI 1. Nakontrol uli ang hilagang India. Muli, ang kabisera ng imperyo ay nasa Patilaputra. 2. Itinuturing na panahong klasikal ng India. 3. Naging epektibo ang pangangasiwa ngunit ang panitikan at agham ay yumabong. 4. Si Kalidasa ang tinuturing na pinaka magaling na manunulat na nabuhay sa panahong ito. PAGBAGSAK Sa pagsapit ng ikaanim na siglo CE, bumagsak ang imperyong ito sa kamay ng mga bagong mananakop, ang White Hun na maaaring mga Iranian o Turk na mula sa Gitang Asya.
  15. 15. PAGKATA-TAG Itinatag ang Mogul nang masakop ni Babur ang hilagang India at Delhi noon 1526. PAGBAGSAK Sa pagsapit ng ikaanim na siglo CE, bumagsak ang imperyong ito sa kamay ng mga bagong mananakop, ang White Hun na maaaring mga Iranian o Turk na mula sa Gitang Asya. Labis ding humina ang Mogul dahil sa pagdating ng mga English sa India.
  16. 16. PAG-UNLAD Imperyong Maurya o Ang maayos na sistema ng pamahalaan at ang mga buwis na siyang tumutustos sa mga gastusin ng imperyo.
  17. 17. PAG-UNLAD Imperyong Gupta o Mahusay na pamamahala ng sinaunang pinuno.
  18. 18. PAG-UNLAD Imperyong Mogul o Pinalawak ang imperyo sa pamamagitan ng pagkakasundo ng mga Hindu at Muslim sa imperyo.
  19. 19.  Relihiyong Hinduismo at Buddismo.  Sistemang Caste  Konsepto ng reinkarnasyon o muling pagkabuhay.  Konsepto ng karma.  Sa panitikan, ang Veda at ang Upanishad.
  20. 20.  Encyclopedia ng medisina na isinulat ni Charaka.  Aklat sa Pulitika ni Kautilya (The Science of Material Gain) – tungkol sa pagpapalawak at paggamit ng kapangyarihan.  Dinar – gintong barya na may iba’t-ibang disenyo.  Sakuntala – dula ni Kalidasa
  21. 21.  Ang Iron Pillar sa Delhi na isang halimbawa ng teknolohiya noong panahon iyon.  Ang epiko ng Ramayana at Mahabharata.  Simbolong zero at bilang 1 – 9.  Sistemang decimal.
  22. 22.  Ang Unibersidad ng Nalanda na unang unibersidad sa daigdig na nag-alok ng kursong pilosopiya, relihiyon at sining.  Nagbigay sa mundo ng telang cashmere, calico, at chitz.  Mga fresco painting.
  23. 23.  Ang Taj Mahal na itinayo noong 1620-1648.  Ito ay inaalay ni Shan sa kaniyang asawa na si Muntaj Mahal.
  24. 24. BIMBISARA ∞ Nagpagawa siya ng mga kalsada. ∞ Isinaayos ang pangangasiwa sa mga pamayanan. ∞ Pinalakas ang kaharian kung ikukumpara sa karatig-lugar.
  25. 25. ALEXANDER The GREAT ∞ Namuno sa ilang labanan. ∞ Siya ang ulo ng mga Hindu sa pagtawid sa Indus River. ∞ Napag-isang puwersa ang Persia at India. ∞ Nag-alsa ang kaniyang mga tauhan laban sa kaniya.
  26. 26. ALEXANDER The GREAT ∞ Sa kaniyang pagkamatay noong 323 BCE, naiwang walang mahusay na pinuno ang India.
  27. 27. May iba’t-ibang paliwanag sa pagtatapos ng Kabihasnang Hindu. May nagsasabing bunga ito ng pagka-ubos ng mga puno, mga labis na pagbaha, at pagbabago ng klima. Maaari din daw nagkaroon ng labis na lindol at pagsabog ng bulkan. May mga ebidensiya rin na pagkatuyo ng Sarasvati River ay nagresulta pagkatapos ng kabihasnang Harappa noong 1900 BCE.
  28. 28. Isang lumang paliwanag ang teoryang Mohenjo Daro at Harappa na nawasak dahil sa paglusob ng mga pangkat nomadiko-pastoral mula sa Gitnang Asya, kabilang na ang mga Aryan. Walang malinaw na ebidensya na naglaban nga ang mga Dravidian at Aryan na nagdulot ng wasak na kabihasnang Hindu.
  29. 29. Pinuno: Subaan, Val Rindel S. Brillantes, Marianne A. Caramat, Sophia Rose A. Getuiza, Irah Mae A. Ignacio, Gia Aubrey G. Mendoza, Andrea Vernice A. Reyes, Aianne B. Villocillo, Renz Ivan C.

×