SlideShare a Scribd company logo
1 of 22
Download to read offline
ARALING PANLIPUNAN III
(Effective Alternative Secondary Education)
MODYUL 9
SISTEMANG PIYUDAL SA GITNANG PANAHON
SA EUROPA
BUREAU OF SECONDARY EDUCATION
Department of Education
DepEd Complex, Meralco Avenue
Pasig City
MODYUL 9
SISTEMANG PIYUDAL SA GITNANG PANAHON SA EUROPA
Ang modyul na ito ay magdadala sa iyo sa Gitnang Panahon sa
Kanlurang Europa kung kailan ang sistemang piyudal ang umiral. Kaakibat nito
ang sistemang pampulitika, panlipunan, at pang-ekonomiya noong mga
panahong iyon.
Ang sistemang pampulitika ay makikita sa desentralisadong pamamahala.
Ang sistemang pang-ekonomiya ay naisasalarawan ng sistemang manoryal na
siyang sentro ng mga gawaing pangkabuhayan. Ang sistemang panlipunan
naman ay makikita sa pagkakapangkat-pangkat ng lipunan sa tatlo: 1) uring
maharlika; 2) mga klerigo; 3) at mga pesante.
Ang Simbahang Katoliko ang naging tagapagbuklod ng mga estadong
Kristiyano. Ang Simbahan at ang pagsunod sa mga doktrina nito ay naging
malaking bahagi ng araw-araw na gawain ng tao.
May tatlong araling inihanda para sa inyo sa modyul na ito:
Aralin 1: Ang Pag-usbong ng Piyudalismo
Aralin 2: Ang Sistemang Manoryal
Aralin 3: Ang Pagsimula at Paglaganap ng mga Bayan at Lungsod
Pagkatapos ng mga gawain sa modyul, ikaw ay inaasahang:
1. Makapagtatalakay ng mga pangyayaring nagbigay-daan sa pag-usbong at
paglaganap ng piyudalismo sa Gitnang Panahon sa Europa;
2. Makapaglalarawan ng ugnayan ng mga hari, basalyo, kabalyero, at
magbubukid sa sistemang piyudal;
3. Makapagpapaliwanag ng mga salik ng sistemang manoryal;
4. Makatutukoy ng ginampanang papel ng Simbahan sa sistemang piyudal;
at
5. Makapagbibigay ng kuro-kuro hinggil sa impluwensya ng sistemang
piyudal sa kasalukuyang panahon.
Handa ka na ba? Subukan mong sagutin ang mga sumusunod na tanong.
Huwag kang mangamba sa pagsagot. May mga tulong sa pag-aaral na inihanda
para sa iyo.
PANIMULANG PAGSUSULIT:
Panuto: Bilugan ang titik ng tamang sagot.
1. Alin sa mga sumusunod ang tamang pagsasalarawan ng mga Burgis?
a. Sila ay nabibilang sa maharlika.
b. Sia ay mayamang mangangalakal.
c. Sila ay panginoon ng magbubukid.
d. Sila ay pinuno ng guild.
2. Ang basalyo ay yaong tao na:
a. nagbigay ng lupa.
b. nabigyan ng lupa.
c. nagtatrabaho sa lupa.
d. nangungolekta ng buwis.
3. Ang tawag sa artisano na nagpapakadalubhasa sa kanyang gawain sa
pamamagitan ng pagsasanay sa gabay ng master ay
a. journeyman
b. burgis
c. apprentice
d. bailiff
4. Sa sistemang piyudal, ang sentro ng lipunan at ekonomiya ng mga tao ay
ang:
a. kastila.
b. palasyo.
c. manor.
d. simbahan.
5. Mahalaga ang papel ng mga kabalyero sa sistemang piyudal dahil sa sila
ang gumaganap ng gawaing
a. panlipunan.
b. pang-ekonomiya.
c. panrelihiyon.
d. pangmilitar.
6. Ang bansa kung saan maraming lungsod ang umunlad dahil sa kalakal ay
a. Ingglatera
b. Pransiya
c. Italya
d. Alemanya
7. Ang unang paggamit ng pera o salapi sa kalakalan ay naganap sa
a. manor
b. perya
c. banko
d. pistahan
8. Ang pag-iral ng sistemang piyudal sa Gitnang Panahon ay nag-ugat sa
a. pagbasak ng Emperyong Roma.
b. paghina ng Banal na Emperyong Roma.
c. pagsalakay ng mga Asyano.
d. paglakas ng Simbahang Kristiyano.
9. Ang pag-unlad ng kalakalan sa pagitan ng mga lunsod ng Italya at
Gitnang Asya ay nag-ugat sa
a. Piyudalismo.
b. Krusada.
c. Sistemang Guild.
d. Kristiyanismo.
10.Alin sa mga sumusunod ang hindi salik sa pag-unlad ng mga kabayanan?
a. Bagong teknolohiya sa pagtatanim
b. Paglakas ng kalakalan
c. Bagong pamamaraan sa pagtatanim
d. Pagtatayo ng “guild”
5
ARALIN 1
ANG PAG-USBONG NG PIYUDALISMO
Ang paghina ng pamamahala ng tagapagmana ni Charlemagne ang
nagpasimula ng sistema kung saan ang local na pamamahala ay lumakas. Dito mag-
uugat ang piyudalismo.
Matapos ang araling ito, inaasahang magagawa mo ang mga sumusunod:
1. Matutukoy ang pag-usbong ng piyudalismo sa Kanlurang Europa;
2. Maipaliliwanag ang katangian ng institusyong ito;
3. Mailalarawan ang panlipunan at pampulitikal na katangian nito; at
4. Matutukoy ang papel ng kabalyero sa sistemang piyudal.
Gawain 1: Pag-isipan Mo!
Bilang Pilipino, napag-aralan mo sa Kasaysayan ng Pilipinas ang tungkol sa
Sistemang Encomienda noong panahon ng Kastila. Magbigay ng dalawang
katungkulan ng Encomienda at dalawa ring katungkulan ng nasasakop na Indio. Isulat
sa isang pirasong papel at itabi hanggang matapos mong basahin ang aralin na ito.
6
Ang Pagtatag ng Piyudalismo
Ang Piyudalismo sa Gitnang Panahon ay nag-ugat sa paghahati-hati ng Banal na
Imperyo ni Charlemagne batay sa kasunduan sa Verdum. Mahihinang tagapamahala
ang mga tagapagmana ni Charlemagne kaya ang mga opisyal ng pamahalaan at mga
may-ari ng lupain ay humiwalay sa pamumuno ng hari. Naibangon muli ang mga local
na pamahalaan na ngayon ay pinatatakbo ng mga maharlikha katulad ng mga konde at
duke.
Sa sitwasyong ito pumasok ang mga barbarong Viking, Magyar, at Muslim.
Sinalakay nila ang iba’t ibang panig ng Europa lalo na sa bandang Pransya. Ang mga
Viking na kilala rin sa tawag na Normans ay nabigyan ng lupain sa bandang Pransya
kapalit ng pagtanggap nila ng Kristiyanismo. Ang lupaing napasakanila ay kilala ngayon
sa tawag na Normandy.
Ang madalas na pagsalakay na ito ng mga barbaro ay nagbigay ligalig sa mga
mamamayan ng Europa. Dahil dito, hinangad ng lahat ang pagkakaroon ng proteksyon
kaya naitatag ang sistemang piyudalismo.
Ang Institusyong Piyudalismo
Ang salitang Piyudalismo (Feudalism) ay hango sa salitang “feodus” or “fief”, ang
salitang tumutukoy sa lupa na ibinigay sa unang basalyo (vassal). Ang may-ari ng lupa
(Panginoon) ay nangakong bibigyan ng protesyon ang basalya at ipagtatanggol ang
kanilang karangalan. Ang basalyo naman ay nangako ring magiging matapat sa
panginoong piyudal at magbibigay ng suporta sa oras ng pangangailangan katulad ng
pakikipaglaban sa digmaang kinasasangkutan ng panginoon at paminsan-minsang
pagbibigay ng tirahan, aliw, at pagkain sa panginoong piyudal.
Sa sistemang umiiral sa Europa, ang salitang basalyo at panginoon ay
nagkakaugnay. Ang isang basalyo ay maaari ding tawaging panginoon kung siya ay
magbibigay ng bahagi ng kanyang lupa sa isang tao na ngayon ay tatawagin niyang
basalyo.
7
Ang Piyudalismo Bilang Pamahalaan
Sa sistemang piyudal, ang basalyo ay may layang pamahalaan ang lupang
nasasakupan. Siya na ang nag-aayos ng usaping legal at namamahala sa sandatahang
lakas, supply ng pagkain, at paniningil ng buwis.
Sistemang Panlipunan
Sa sistemang piyudal, ang lipunan ay nakalathala sa tatlo:
1. maharlika - kinabibilangan ng hari, basalyo, at iba pang panginoon
2. pari o clerigo - ang tanging pangkat na nakapag-aral ng iba’t ibang
asignatura, bukod pa sa pakikipagdigma. Ang mga Obispo at iba pang
matataas na ranggong Clerigo ay namumuhay na parang mayayaman
samantalang ang pari sa nayon ay mula sa mababang uri at hindi gaanong
nakapag-aral.
Ang Kabalyero sa Sistemang Piyudal
Ang lalaki na mula sa mababang antas ng lipunan ay halos hindi nabibigyan ng
pagkakataong maging kabalyero. Para makatiyak na ang mga magiging kabalyero ay
manggagaling sa angkang maharlikha, ang pagsasanay sa pagkakabalyero ay
mahigpit.
Ang kabalyero ay mula sa salitang Pranses na “Chevalier” na ang ibig sabihin ay
mangangabayo. Ang nagnanais na maging kabalyero ay dumadaan sa pagsasanay
ayon sa Codigo ng pagiging Kabalyero. Ang pagsasanay ay nagsisimula sa mga gulang
na pitong taon kung saan siya ay nagsisilbi sa Corte ng kastilyo o palasyo bilang “valet”
(little vassal) o damoireau (little lord) habang natututo ng kagandahang asal at
pagsasanay sa pakikidigma. Sa pagbibinata, siya ay magiging “assistant” o “squire” ng
kabalyero. Maaari na siyang sumama sa digmaan at kung mapatunayan ang kanyang
kasanayan sa kagandahang asal at pakikidigma, siya ay gagawin nang kabalyero sa
8
pamamagitan ng isang seremonya kung saan siya ay bibigyan na ng damit at gamit
pandigma.
Gawain 2: Pagpapalalim ng Kaalaman
Kunin mo ang iyong ginawa sa Gawain 1 at ngayon ay magtala ng
dalawang katungkulan na ginagampanan ng panginoong piyudal at dalawa ring
katungkulan ng basalyo.
Ihambing mo ang dalawang gawain na ginawa mo at magbigay ng
pagkakahawig at pagkakaiba ng mga nasabing tungkulin. Sundan ang “format” na ito:
Katungkulan Paghahambing
Panahon ng
Kastila
Panahong
Piyudal
Pagkakahawig Pagkakaiba
A. Encomendero A. Panginoong Piyudal
1. 1. 1. 1.
2. 2. 2. 2.
B. Indio (Tenant) B. Basalyo
1. 1. 1. 1.
2. 2. 2. 2.
9
Tandaan Mo!
Ang piyudalismo ay isang sistema kung saan mahigpit ang
kasunduan ng panginoong piyudal at basalyo. Bawat isa ay may
katungkulan na dapat tuparin.
ARALIN 2
SISTEMANG MANORYAL
Ang sistemang manoryal ay nakasalalay sa pagsasaka. Dito kinukuha ang
panggastos para sa pagpapatakbo ng pamahalaang piyudal. Ang manor ay sentro ng
lipunan at ekonomiya ng mga tao na nakatira dito.
Ikaw ba ay nakapunta na sa isang hacienda dito? Kung nakapunta ka na, may
pagkakahawig ang kaanyuan ng dalawa.
Pagkatapos mong basahin ang Araling ito, inaasahan na iyong:
1. Maisasalarawan ang manor;
2. Maipaliliwanag ang sistemang umiiral dito; at
3. Mapahahalagahan ang papel ng babae sa manor.
10
Gawain 1: Pag-isipan Mo!
Tingnan mo ang larawan sa ibaba. Ito ay larawan ng manor. Ano ang
masasabi mo sa kaayusan ng manor?
________________________________________________________________
______________________________________________________________________

11
Sistemang Manoryal
Ang sistemang manoryal ang sistemang pang-ekonomiya noong Gitnang
Panahon. Sa manor nanggagaling ang halos lahat ng produkto at serbisyong kailangan
ng mga tao.
Pagasasaka: Batayan ng Sistemang Manor
Ang sistemang manor ang sentro ng lipunan at ekonomiya ng mga tao na
nakatira dito. Ang isang fief ay maaaring binuo ng maraming manor na nakahiwalay sa
isa’t isa. Ito ay maaaring maihalintulad sa isang pamayanan (village) kung saan ang
mga naninirahan dito ay umaasa ng kanilang ikabubuhay sa pagsasaka sa manor. Sa
kabilang dako ang kanilang panginoon ay dito rin umaasa sa kita ng pagsasaka sa
manor na kanyang magiging kayamanan.
Ang kastilyo ng panginoong piyudal ang pinakapusod ng isang manor. Maari ring
ang bahay sa manor ay isang malaking nababakurang gusali o kaya ay palasyo. Ang
lupain sa loob ng manor ay nahahati ayon sa paggagamitan nito. Kumpleto sa mga
kakailanganin ng magsasaka ang mga gamit sa manor. Para sa mga naninirahan doon,
ang mga pangangailangan nila ay napapaloob na sa manor. Nandiyan ang kamalig,
kiskisan, panaderya, at kuwadra ng panginoon. Mayroon ding simbahan, pandayan, at
pastulan. Kung maibigan ng panginoon, ang mga kaparangan at kagubatan ay kanyang
hinahati ngunit nag-iiwan siya ng pastulan na maaaring gamitin ng lahat.
Ang Pamamahala sa Manor
Ang Panginoong Piyudal ay karaniwang abala sa pakikidigma. Sa ganitong
pagkakataon ang pamamahala sa manor ay ipinagkakatiwala sa mga piling opisyales.
Halimbawa sa England ang mga pinagkakatiwalaan ay tinatawag na steward, bailiff, at
reeve. Ang steward ang may pinakamataas na ranggo. Siya ang legal na
12
tagapamahala sa korte ng manor. Binibisita niya ang iba’t ibang manor para matingnan
ang sitwasyon dito.
Ang bailiff naman ang nangangasiwa sa mga gawain ng magbubukid at sa
pagsasaka. Siya ang namamahala sa pagkukuwenta ng salapi at sa paniningil ng upa,
multa, at iba pang bayarin.
Ang reeve ay tumutulong sa bailiff. Maraming reeve ang kailangan kapag ang
manor ay malaki. Sila ang namamahala sa pagpaparami ng dayami at sa pagtatago
nito. Sila rin ang nag-aalaga ng kawan ng hayop at sa nag-aani ng mga pananim. Siya
rin ang nagpapaabot sa panginoong piyudal ng reklamo ng mga magbubukid tungkol sa
mga opisyales. Sa panig naman ng mga pesante, sila ay obligadong magtrabaho ng
dalawa hanggang tatlong araw sa bawat linggo sa lupa ng panginoong piyudal. Bahagi
ng kanilang ani ay kinukuha bilang buwis. Kung sila naman ay gumagawa ng tinapay o
alak, halos lahat ng ito ay ibibigay din sa panginoon.
Ang mga itinuturing na serf ay hindi malayang makaalis sa manor. Sila ay
itinuturing na pag-aari ng panginoon. Hindi rin sila makapangaso sa gubat o
makapangisda sa batis.
Dahil sa walang pinag-aralan at itinuturing na tanga, ang mga magbubukid ay
nakakita ng kasiyahan sa mga paniniwala tungkol sa mangkukulam, mahika, at
halimaw. Kung minsan sila ay nagdaraos ng kasiyahan tulad ng piyesta, sayawan, at
paligsahan.
Katayuan ng mga babae sa Manor
Ang mga babaeng nabibilang sa maharlikang angkan ay tinatawag na “ladies”.
Sila ay nagmamana ng lupain at maaaring humawak ng mahalagang posisyon. Kung
nasa digmaan ang Panginoong Piyudal, ang mga asawa nito ang namamahala ng
manor at nagtatanggol dito kapag nagkaroon ng mga pagsalakay. Kung sakaling ang
panginoon ay nabihag, ang asawa nito ang nagtitipon ng pantubos upang siya ay
mailigtas.
13
Ang mga babaeng magbubukid naman ay gumagawa ng lahat ng trabaho sa
bukid. Sila ang nagtatanim at nag-aani ng mga butil. Sila ang naggugupit ng balahibo
ng tupa at naggagatas sa baka. Gumagawa din sila ng atip na pangbubong mula sa
dayami.
Maagang nag-aasawa noon ang babae. Sa gulang na labing-apat, siya ay
maaari nang ipagkasundo. May mga pagkakataon na sanggol pa lang ang babae ay
maaari na rin siyang ipagkasundo. Ang babae ay pwede lamang makasal kung siya ay
mayroong dote na salapi, lupa, o produkto na kanyang dadalhin o babaunin sa
pagpapakasal.
Gawain 2: Pagpapalalim ng Kaalaman
Magbigay ng reaksiyon o komentaryo sa papel na ginagampanan ng
babae sa manor. Mayroon na bang pagpapahalaga sa babae noon?
Tandaan Mo!
Ang manor ay mahalagang bahagi ng fief. Dito nakasalalay ang
ikabubuhay ng lahat ng tao—mula maharlika hanggang serf.
14
ARALIN 3
ANG PAGSIMULA AT PAGLAGANAP NG MGA BAYAN AT LUNGSOD
Panahon ng ika-sampu hanggang ikalabing-isang dantaon ng lumitaw ang mga
bagong bayan at lungsod sa Europa. Ang pinakamabilis na pag-unlad ay naganap
noong ikalabintatlong dantaon.
Ang lungsod ay lugar kung saan ang mga bagong uri ng tao ay yumaman at
naging makapangyarihan. Ito rin ang nagsilbing sentro ng edukasyon, panitikan, at
sining.
Matapos ang araling ito, inaasahan na iyong:
1. Maisasalarawan ang sitwasyon na naging salik sa pagsimula at paglaganap ng
lungsod;
2. Matutukoy ang mga lugar sa Europa na naapektuhan ng maunlad na kalakalan;
at
3. Maisasalarawan ang bagong uri ng tao.
Gawain 1: Pag-isipan Mo!
Dito sa Metro Manila, maraming bayan ang naging siyudad. Dati-rati apat
lang ang siyudad dito: Manila, Quezon City, Caloocan, at Pasay City. Bakit sa huling
tatlong taon halos lahat ng bumubuo sa Metro Manila ay siyudad na? Magtala ka nga
ng 8 bayan sa Metro Manila na naging siyudad kamakailan lang. Ano kaya ang mga
katangian ng mga bayan na ito para gawing siyudad?
15
Bayan Katangian
1. 1.
2. 2.
3. 3.
4. 4.
5. 5.
6. 6.
7. 7.
8. 8.
Kalakalan sa pagitan ng Lungsod ng Italya at ng Gitnang Silangan
Ang krusada ay may malaking naidulot sa pag-unlad ng kalakalan sa pagitan ng
mga lungsod sa Italya at Gitnang Silangan. Nagkaroon ng palitan ng produkto. Ang mga
tao sa Kanlurang Europa, lalo na ang mga maharlika ay nagustuhan ang mga
pampalasa at telang seda mula sa Asya. Ang kalakal na mula sa mga lungsod ng
Venice, Genoa, at iba pang lungsod sa Italya ay dinadala rin patungong Inglatera at
hilagang Europa. Dahil sa pag-unlad ng kalakalan sa pagitan ng Europa at Asya,
lumawak ang kalakalan.
16
Paglago ng mga Bayan
Ang paglakas ng kalakalan ay naging malaking tulong sa paglago ng mga bayan.
Nagkaroon ng pagbabago sa agrikultura bunsod ng pagtuklas ng mga bagong
teknolohiya at mga bagong pamamaraan sa pagtatanim. Bunga nito, tumaas ang ani
kaya nagkaroon ng magandang uri ng pamumuhay ang mga tao. Nakatulong din nang
malaki ang pagsasaayos ng mga kalsada upang mapadali ang pagdala at pagbili ng
mga produktong agrikultural. Marami ang nanirahan sa mga lugar na malapit sa
pangunahing daan.
Paggamit ng salapi
Sa unang mga taon ng Gitnang Panahon, ang sistema ng kalakalan ay palitan ng
produkto o barter. Dinadala ng mga magbubukid o kaya ng “serf” ang mga produktong
bukid o produktong gawa sa bahay sa mga lokal na pamilihan. Dito nagpapalitan ng
produkto ang mga tao. Ang local na pamilihan ay nagaganap lamang bawat linggo sa
mga malalawak na lugar malapit sa palasyo o simbahan.
Sa paglawak ng kalakalan kung saan maraming lugar na ang sumali, naisip ng
panginoong piyudal na magtatag ng taunang perya. Dito sa peryang ito nagkatagpo-
tagpo ang mga mangangalakal. Sa peryang ito kumikita ang panginoong piyudal dahil
siya ay naniningil ng buwis at multa dito.
Dito sa peryang ito nakita ang paggamit ng salapi ngunit iba-iba ang kanilang
salaping barya. Dahil dito, nagsulputan ang mga namamalit ng salapi (money changer),
na sa maliit na halaga ay namamalit ng iba’t ibang barya.
Sa pagpapalit ng salapi na ito nasabing nagsimula ang pagbabangko.
Natuklasan ng ilang mangangalakal na hindi delikado ang mag-iwan ng malalaking
halaga sa mga namamalit ng salapi. Ang salaping ito ay ipinauutang din nang may tubo.
Ang isang mangangalakal ay maari ring magdeposito ng salapi sa isang lungsod at
bibigyan siya ng resibo. Itong dineposito niya ay maaari niyang kolektahin sa ibang
lungsod. Sa ganitong paraan naging ligtas ang paglipat ng salapi.
17
Ang sistemang ito ng pagpapautang at pagbabangko ay nalinang sa hilagang
Italya. Ang paggamit ng pera ay nakatulong sa paglalapit ng mga tao buhat sa iba’t
ibang lugar.
Ang paglitaw ng Burgis
Sa pag-unlad ng kalakalan at industriya at paglawak ng mga bayan, isang
makapangyarihang uri ng tao ang lumitaw. Sila ay tinatawag na burgis (men of burg o
burgers o bourgeoisie). Ang interes ng grupong ito ay nasa kalakalan. Ang mataas na
uri ng bourgeoisie ay ang mga mauunlad na negosyante at mga bangkero. Ang
kanilang mga anak ay nag-aaral sa mga magagaling na unibersidad. Ang mga
bourgeoisie ay ang nagiging gitnang uri at mababa ang pagtingin sa kanila ng
panginoong piyudal dahil sa sila ay mga bagong yaman lamang.
Ang mga burgis ay patuloy na umiral at sila ang nagtaguyod ng sining at
nakalinang ng sariling uri ng pagkamaharlika. Mababa rin ang pagtingin nila sa mga
dalubhasang manggagawa kaya nagkaroon ng pag-uuri ng tao sa lipunan batay sa
yaman at hindi na sa angkan.
Ang Sistemang “Guild”
Ang “guild” ay isang samahang institusyunal na ang pangunahing layunin ay
protektahan ang interes ng mga kasapi. Bawat “guild” ay may sinusunod na patakaran.
Nawata nila ang pagsali sa kalakalan nang hindi kasali sa “guild”.
Ang “guild” ng artisano ang nangangasiwa sa pagsasanay ng isang tao sa
pamamagitan ng sistemang “apprenticeship”. Bago tanghaling dalubhasa ang isang
artisano, siya ay dumadaan sa dalawang antas ng pagsasanay: 1) ang kandidato
(apprentice) ay kailangang tumira kasama ang isang dalubhasa o master sa gawaing
nais niyang pag-aralan. Siya ay bibigyan ng damit at tuturuan ng kagandahang asal.
Obligasyon ng apprentice ang sundin lahat ang utos ng master at kailangang manatiling
lihim ang mga sikreto sa sining at paggawa na natutuhan niya sa master. Ang antas na
18
ito ay 3 hanggang 12 taon; at 2) sa ikalawang antas siya ay magiging journeyman,
isang bihasang artisano na naglilingkod sa isang panibagong master at tumatanggap ng
araw-araw na sahod. Ang gawa ng isang artisano na pumasa sa pamantayan ng “guild”
ay itinuturing na “obra maestra”.
Gawain 2: Pagpapalalim ng Kaalaman
Sagutin ang mga sumusunod.
1. Ikaw ba ay nakaranas nang manirahan sa probinsiya o nayon? Kung napatira
ka na doon, ano ang mga magagandang katangian ng probinsiya?
a. ________________________________________________________
________________________________________________________
b. ________________________________________________________
________________________________________________________
c. ________________________________________________________
________________________________________________________
2. Kung ikaw naman ay hindi pa nakaranas manirahan sa probinsiya, ano ang
mga nalalaman mo o naririnig na katangian ng probinsiya?
a. ________________________________________________________
________________________________________________________
b. ________________________________________________________
________________________________________________________
c. ________________________________________________________
________________________________________________________
19
3. Kung ikaw ay papipiliin, saan mo gustong manatili? Bakit?
___________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
Tandaan Mo!
Ang lungsod ay kilala sa umiiral na malakas na kalakalan noong
Gitnang Panahon lalo na noong matapos ang Krusada.
MGA DAPAT TANDAAN SA MODYUL NA ITO
Ang piyudalismo ay isang sistema kung saan mahigpit ang kasunduan ng
panginoong piyudal at basalyo. Bawat isa ay may katungkulan na dapat tuparin.
Ang manor ay mahalagang bahagi ng fief. Dito nakasalalay ang ikabubuhay ng
lahat ng tao—mula maharlika hanggang serf.
Ang lungsod ay kilala sa umiiral na malakas na kalakalan noong Gitnang
Panahon lalo na noong matapos ang Krusada.
20
PANGHULING PAGSUSULIT:
Panuto: Piliin ang titik ng tamang sagot.
1. Ang manor ay pag-aari ng
a. Magsasaka
b. Mangangalakal
c. Panginoon
d. Simbahan
2. Alin sa sumusunod ang hindi lungsod ng Italya?
a. Genea
b. Venice
c. Cologne
d. Milan
3. Isang piyesta sa pamilihan na karaniwang idinaraos kung pista opisyal kung
saan maraming mangangalakal galing sa iba’t-ibang panig ng Europa ang
dumarating para mamili at magtinda.
a. Pasko
b. Perya
c. Palaro
d. Torneo
4. Ang samahang midyibal na binubuo ng mangangalakal at manggagawa na
naglalayong protektahan ang kanilang sarili sa di makatarungang paggawa,
presyo, at suweldo.
a. Basalyo
b. Guild
c. Burgis
d. Maharlika
5. Isang bagong pangkat ng tao na lumitaw at ang layunin ay para mangalakal,
hindi pandirigma.
a. Basalyo
b. Kabalyero
21
c. Burgis
d. Apprentice
6. Noong panahong midyibal ang sentro ng kalakal ay mga lungsod sa Italy at ___,
a. America
b. Gitnang Silangan
c. China
d. Silangang Indies
7. Alin sa mag sumusunod ang hindi salik sa pag-usbong ng piyudalismo?
a. Paglusob ng mga barbaro
b. Paghina ng kapangyarihan ng hari
c. Paglakas ng kalakalan
d. Pagsasamantala ng malalakas na local na pamahalaan
8. Ang tirahan ng mga panginoong piyudal ay ang
a. kamalig
b. kastilyo
c. palaruan
d. kumbento
9. Ang sistemang piyudal ay umiral dahil
a. Ang mga maharlika ay humingi ng proteksyon
b. Marami ang naging kabalyero
c. Ang hari ay naging makapangyarihan
d. Ang simbahan ay sumuporta sa hari
10. Isa sa mga salik sa pag-unlad ng bayan ay
a. Pagkakaroon ng mga magagandang daan
b. Pag-usbong ng mga guild
c. Paglitaw ng mga kabalyero
d. Pagbagsak ng Roma
22
GABAY SA PAGWAWASTO:
PANIMULANG PAGSUSULIT
1. B
2. B
3. C
4. C
5. D
6. C
7. B
8. B
9. B
10.D
PANGHULING PAGSUSULIT
1. C
2. B
3. B
4. B
5. C
6. B
7. C
8. B
9. A
10.A

More Related Content

What's hot

unang yugto ng imperyalismong kanluranin
unang yugto ng imperyalismong kanluraninunang yugto ng imperyalismong kanluranin
unang yugto ng imperyalismong kanluraninMary Grace Ambrocio
 
Epekto at Kontribusiyon ng mga Kaisipang Lumaganap noong Gitnang Panahon
Epekto at Kontribusiyon ng mga Kaisipang Lumaganap noong Gitnang PanahonEpekto at Kontribusiyon ng mga Kaisipang Lumaganap noong Gitnang Panahon
Epekto at Kontribusiyon ng mga Kaisipang Lumaganap noong Gitnang PanahonJennifer Macarat
 
Q2-kONTRIBUSYON NG KABIHASNANG rOMANO.pptx
Q2-kONTRIBUSYON NG KABIHASNANG rOMANO.pptxQ2-kONTRIBUSYON NG KABIHASNANG rOMANO.pptx
Q2-kONTRIBUSYON NG KABIHASNANG rOMANO.pptx37thes
 
Modyul 20 neo-kolonyalismo
Modyul 20   neo-kolonyalismoModyul 20   neo-kolonyalismo
Modyul 20 neo-kolonyalismo南 睿
 
Sinaunang Rome
Sinaunang RomeSinaunang Rome
Sinaunang Romedranel
 
Kabihasnang Roman (Sinauna, Republika, Imperyo)
Kabihasnang Roman (Sinauna, Republika, Imperyo)Kabihasnang Roman (Sinauna, Republika, Imperyo)
Kabihasnang Roman (Sinauna, Republika, Imperyo)Yves Audrey Cenas
 
Ikalawang markahang-pagsusulit-sa-araling-panlipunan-8
Ikalawang markahang-pagsusulit-sa-araling-panlipunan-8Ikalawang markahang-pagsusulit-sa-araling-panlipunan-8
Ikalawang markahang-pagsusulit-sa-araling-panlipunan-8WendellAstrero1
 
Ap 8 kontribusyon ng klasikong kabihasnan sa pag unlad ng pandaigdigan kamalan
Ap 8 kontribusyon ng klasikong kabihasnan sa pag unlad ng pandaigdigan kamalanAp 8 kontribusyon ng klasikong kabihasnan sa pag unlad ng pandaigdigan kamalan
Ap 8 kontribusyon ng klasikong kabihasnan sa pag unlad ng pandaigdigan kamalanARLYN P. BONIFACIO
 
KLASIKAL NA KABIHASNANG ROME
KLASIKAL NA KABIHASNANG ROMEKLASIKAL NA KABIHASNANG ROME
KLASIKAL NA KABIHASNANG ROMEEric Valladolid
 
MAAGANG GITNANG PANAHON SA EUROPA
MAAGANG GITNANG PANAHON SA EUROPA MAAGANG GITNANG PANAHON SA EUROPA
MAAGANG GITNANG PANAHON SA EUROPA Ma Lovely
 
ARALIN 1 AP 8- Panahon ng Renaissance.pptx
ARALIN 1 AP 8- Panahon ng Renaissance.pptxARALIN 1 AP 8- Panahon ng Renaissance.pptx
ARALIN 1 AP 8- Panahon ng Renaissance.pptxTeacherTinCabanayan
 
ANG KASAYSAYAN NG MUNDO: PIYUDALISMO
ANG KASAYSAYAN NG MUNDO: PIYUDALISMOANG KASAYSAYAN NG MUNDO: PIYUDALISMO
ANG KASAYSAYAN NG MUNDO: PIYUDALISMOEric Valladolid
 
Araling Panlipunan Grade 8 - Third Quarter Module
Araling Panlipunan Grade 8 - Third Quarter ModuleAraling Panlipunan Grade 8 - Third Quarter Module
Araling Panlipunan Grade 8 - Third Quarter ModuleJhing Pantaleon
 
Q3 AP 8 - Pag-usbong ng Nasyonalismo sa Europa at Iba't-ibang Bahagi ng Daigd...
Q3 AP 8 - Pag-usbong ng Nasyonalismo sa Europa at Iba't-ibang Bahagi ng Daigd...Q3 AP 8 - Pag-usbong ng Nasyonalismo sa Europa at Iba't-ibang Bahagi ng Daigd...
Q3 AP 8 - Pag-usbong ng Nasyonalismo sa Europa at Iba't-ibang Bahagi ng Daigd...PaulineMae5
 
What's hot (20)

unang yugto ng imperyalismong kanluranin
unang yugto ng imperyalismong kanluraninunang yugto ng imperyalismong kanluranin
unang yugto ng imperyalismong kanluranin
 
Epekto at Kontribusiyon ng mga Kaisipang Lumaganap noong Gitnang Panahon
Epekto at Kontribusiyon ng mga Kaisipang Lumaganap noong Gitnang PanahonEpekto at Kontribusiyon ng mga Kaisipang Lumaganap noong Gitnang Panahon
Epekto at Kontribusiyon ng mga Kaisipang Lumaganap noong Gitnang Panahon
 
Q2-kONTRIBUSYON NG KABIHASNANG rOMANO.pptx
Q2-kONTRIBUSYON NG KABIHASNANG rOMANO.pptxQ2-kONTRIBUSYON NG KABIHASNANG rOMANO.pptx
Q2-kONTRIBUSYON NG KABIHASNANG rOMANO.pptx
 
Banghay sa Araling Panlipunan 8
Banghay sa Araling Panlipunan 8Banghay sa Araling Panlipunan 8
Banghay sa Araling Panlipunan 8
 
Modyul 20 neo-kolonyalismo
Modyul 20   neo-kolonyalismoModyul 20   neo-kolonyalismo
Modyul 20 neo-kolonyalismo
 
Sinaunang Rome
Sinaunang RomeSinaunang Rome
Sinaunang Rome
 
Kabihasnang Roman (Sinauna, Republika, Imperyo)
Kabihasnang Roman (Sinauna, Republika, Imperyo)Kabihasnang Roman (Sinauna, Republika, Imperyo)
Kabihasnang Roman (Sinauna, Republika, Imperyo)
 
Ikalawang markahang-pagsusulit-sa-araling-panlipunan-8
Ikalawang markahang-pagsusulit-sa-araling-panlipunan-8Ikalawang markahang-pagsusulit-sa-araling-panlipunan-8
Ikalawang markahang-pagsusulit-sa-araling-panlipunan-8
 
Piyudalismo at manoryalismo
Piyudalismo at manoryalismoPiyudalismo at manoryalismo
Piyudalismo at manoryalismo
 
Ap 8 kontribusyon ng klasikong kabihasnan sa pag unlad ng pandaigdigan kamalan
Ap 8 kontribusyon ng klasikong kabihasnan sa pag unlad ng pandaigdigan kamalanAp 8 kontribusyon ng klasikong kabihasnan sa pag unlad ng pandaigdigan kamalan
Ap 8 kontribusyon ng klasikong kabihasnan sa pag unlad ng pandaigdigan kamalan
 
KLASIKAL NA KABIHASNANG ROME
KLASIKAL NA KABIHASNANG ROMEKLASIKAL NA KABIHASNANG ROME
KLASIKAL NA KABIHASNANG ROME
 
Ikalawang Triumvirate
Ikalawang TriumvirateIkalawang Triumvirate
Ikalawang Triumvirate
 
MAAGANG GITNANG PANAHON SA EUROPA
MAAGANG GITNANG PANAHON SA EUROPA MAAGANG GITNANG PANAHON SA EUROPA
MAAGANG GITNANG PANAHON SA EUROPA
 
ARALIN 1 AP 8- Panahon ng Renaissance.pptx
ARALIN 1 AP 8- Panahon ng Renaissance.pptxARALIN 1 AP 8- Panahon ng Renaissance.pptx
ARALIN 1 AP 8- Panahon ng Renaissance.pptx
 
ANG KASAYSAYAN NG MUNDO: PIYUDALISMO
ANG KASAYSAYAN NG MUNDO: PIYUDALISMOANG KASAYSAYAN NG MUNDO: PIYUDALISMO
ANG KASAYSAYAN NG MUNDO: PIYUDALISMO
 
merkantilismo
merkantilismomerkantilismo
merkantilismo
 
Araling Panlipunan Grade 8 - Third Quarter Module
Araling Panlipunan Grade 8 - Third Quarter ModuleAraling Panlipunan Grade 8 - Third Quarter Module
Araling Panlipunan Grade 8 - Third Quarter Module
 
ANG MGA KRUSADA
ANG MGA KRUSADAANG MGA KRUSADA
ANG MGA KRUSADA
 
Q3 AP 8 - Pag-usbong ng Nasyonalismo sa Europa at Iba't-ibang Bahagi ng Daigd...
Q3 AP 8 - Pag-usbong ng Nasyonalismo sa Europa at Iba't-ibang Bahagi ng Daigd...Q3 AP 8 - Pag-usbong ng Nasyonalismo sa Europa at Iba't-ibang Bahagi ng Daigd...
Q3 AP 8 - Pag-usbong ng Nasyonalismo sa Europa at Iba't-ibang Bahagi ng Daigd...
 
Pag-usbong ng Bourgeoisie
Pag-usbong ng BourgeoisiePag-usbong ng Bourgeoisie
Pag-usbong ng Bourgeoisie
 
Similar to Modyul 09 sistemang piyudal ok

Maikling Kurso sa Lipunan at Rebolusyong Pilipino
Maikling Kurso sa Lipunan at Rebolusyong PilipinoMaikling Kurso sa Lipunan at Rebolusyong Pilipino
Maikling Kurso sa Lipunan at Rebolusyong Pilipinopadepaonline
 
Araling Panlipunan Grade 8: Ang piyudalismo, manoryalismo at sistemang guild ...
Araling Panlipunan Grade 8: Ang piyudalismo, manoryalismo at sistemang guild ...Araling Panlipunan Grade 8: Ang piyudalismo, manoryalismo at sistemang guild ...
Araling Panlipunan Grade 8: Ang piyudalismo, manoryalismo at sistemang guild ...Macaronneko
 
merkantilismo.pptx
merkantilismo.pptxmerkantilismo.pptx
merkantilismo.pptxandrew699052
 
G5Q2 WEEK 1 AP PPT Mga Dahilan at Layunin ng Pananakop ng mga Espanyol pptx
G5Q2 WEEK 1 AP PPT Mga Dahilan at Layunin ng Pananakop ng mga Espanyol pptxG5Q2 WEEK 1 AP PPT Mga Dahilan at Layunin ng Pananakop ng mga Espanyol pptx
G5Q2 WEEK 1 AP PPT Mga Dahilan at Layunin ng Pananakop ng mga Espanyol pptxantonettealbina
 
aralin7-angpagusbongngeuropesadaigdig-180216125349.pptx
aralin7-angpagusbongngeuropesadaigdig-180216125349.pptxaralin7-angpagusbongngeuropesadaigdig-180216125349.pptx
aralin7-angpagusbongngeuropesadaigdig-180216125349.pptxMiaGretchenLazarte1
 
Araling Panlipunan 6 Hand out- Mga Pangyayari sa Pag-Usbong ng Nasyonalismong...
Araling Panlipunan 6 Hand out- Mga Pangyayari sa Pag-Usbong ng Nasyonalismong...Araling Panlipunan 6 Hand out- Mga Pangyayari sa Pag-Usbong ng Nasyonalismong...
Araling Panlipunan 6 Hand out- Mga Pangyayari sa Pag-Usbong ng Nasyonalismong...JENNBMIRANDA
 
Modyul 7 pagbabagong dulot ng kolonisasyon
Modyul 7 pagbabagong dulot ng kolonisasyonModyul 7 pagbabagong dulot ng kolonisasyon
Modyul 7 pagbabagong dulot ng kolonisasyon南 睿
 
Modyul 7 pagbabagong dulot ng kolonisasyon
Modyul 7 pagbabagong dulot ng kolonisasyonModyul 7 pagbabagong dulot ng kolonisasyon
Modyul 7 pagbabagong dulot ng kolonisasyonCorazon Junio
 
AP 5 Pagbabago dulot ng Kolonisasyon sa Pilipinas
AP 5 Pagbabago dulot ng Kolonisasyon sa PilipinasAP 5 Pagbabago dulot ng Kolonisasyon sa Pilipinas
AP 5 Pagbabago dulot ng Kolonisasyon sa PilipinasJuan Miguel Palero
 
Pag usbong ng terminong bourgeoisie
Pag usbong ng terminong bourgeoisiePag usbong ng terminong bourgeoisie
Pag usbong ng terminong bourgeoisieMary Grace Ambrocio
 
Ang Daigdig sa Panahon ng Tradisyon
Ang Daigdig sa Panahon ng TradisyonAng Daigdig sa Panahon ng Tradisyon
Ang Daigdig sa Panahon ng TradisyonSMAP_G8Orderliness
 
Aralin 7: Ang Pag-usbong ng Europe sa Daigdig
Aralin 7: Ang Pag-usbong ng Europe  sa DaigdigAralin 7: Ang Pag-usbong ng Europe  sa Daigdig
Aralin 7: Ang Pag-usbong ng Europe sa DaigdigSMAP_G8Orderliness
 
AP8- MODYUL 5 PAGLAKAS NG SIMBAHANG KATOLIKA.pptx
AP8- MODYUL 5 PAGLAKAS NG SIMBAHANG KATOLIKA.pptxAP8- MODYUL 5 PAGLAKAS NG SIMBAHANG KATOLIKA.pptx
AP8- MODYUL 5 PAGLAKAS NG SIMBAHANG KATOLIKA.pptxCARLOSRyanCholo
 
Modyul 4 ang kalinangang pilipino sa panahon ng barangay
Modyul 4 ang kalinangang pilipino sa panahon ng barangayModyul 4 ang kalinangang pilipino sa panahon ng barangay
Modyul 4 ang kalinangang pilipino sa panahon ng barangay南 睿
 
AP 8 Modyul 3 Summary
AP 8 Modyul 3 SummaryAP 8 Modyul 3 Summary
AP 8 Modyul 3 SummaryJanna Naypes
 
Proyekto sa araling panlipunan 9
Proyekto sa araling panlipunan 9Proyekto sa araling panlipunan 9
Proyekto sa araling panlipunan 9evannacua
 
215868842-Pilipinas-Noong-Panahon-Ni-Rizal.pptx
215868842-Pilipinas-Noong-Panahon-Ni-Rizal.pptx215868842-Pilipinas-Noong-Panahon-Ni-Rizal.pptx
215868842-Pilipinas-Noong-Panahon-Ni-Rizal.pptxjaywarven1
 
Modyul 3 (malabon navotas)grade 7 learning modules - quarter 2
Modyul 3 (malabon navotas)grade 7 learning modules - quarter 2Modyul 3 (malabon navotas)grade 7 learning modules - quarter 2
Modyul 3 (malabon navotas)grade 7 learning modules - quarter 2ApHUB2013
 
Modyul 16 ang pag-unlad ng nasyonalismo
Modyul 16   ang pag-unlad ng nasyonalismoModyul 16   ang pag-unlad ng nasyonalismo
Modyul 16 ang pag-unlad ng nasyonalismo南 睿
 
Similar to Modyul 09 sistemang piyudal ok (20)

Maikling Kurso sa Lipunan at Rebolusyong Pilipino
Maikling Kurso sa Lipunan at Rebolusyong PilipinoMaikling Kurso sa Lipunan at Rebolusyong Pilipino
Maikling Kurso sa Lipunan at Rebolusyong Pilipino
 
Araling Panlipunan Grade 8: Ang piyudalismo, manoryalismo at sistemang guild ...
Araling Panlipunan Grade 8: Ang piyudalismo, manoryalismo at sistemang guild ...Araling Panlipunan Grade 8: Ang piyudalismo, manoryalismo at sistemang guild ...
Araling Panlipunan Grade 8: Ang piyudalismo, manoryalismo at sistemang guild ...
 
merkantilismo.pptx
merkantilismo.pptxmerkantilismo.pptx
merkantilismo.pptx
 
Panitikan
PanitikanPanitikan
Panitikan
 
G5Q2 WEEK 1 AP PPT Mga Dahilan at Layunin ng Pananakop ng mga Espanyol pptx
G5Q2 WEEK 1 AP PPT Mga Dahilan at Layunin ng Pananakop ng mga Espanyol pptxG5Q2 WEEK 1 AP PPT Mga Dahilan at Layunin ng Pananakop ng mga Espanyol pptx
G5Q2 WEEK 1 AP PPT Mga Dahilan at Layunin ng Pananakop ng mga Espanyol pptx
 
aralin7-angpagusbongngeuropesadaigdig-180216125349.pptx
aralin7-angpagusbongngeuropesadaigdig-180216125349.pptxaralin7-angpagusbongngeuropesadaigdig-180216125349.pptx
aralin7-angpagusbongngeuropesadaigdig-180216125349.pptx
 
Araling Panlipunan 6 Hand out- Mga Pangyayari sa Pag-Usbong ng Nasyonalismong...
Araling Panlipunan 6 Hand out- Mga Pangyayari sa Pag-Usbong ng Nasyonalismong...Araling Panlipunan 6 Hand out- Mga Pangyayari sa Pag-Usbong ng Nasyonalismong...
Araling Panlipunan 6 Hand out- Mga Pangyayari sa Pag-Usbong ng Nasyonalismong...
 
Modyul 7 pagbabagong dulot ng kolonisasyon
Modyul 7 pagbabagong dulot ng kolonisasyonModyul 7 pagbabagong dulot ng kolonisasyon
Modyul 7 pagbabagong dulot ng kolonisasyon
 
Modyul 7 pagbabagong dulot ng kolonisasyon
Modyul 7 pagbabagong dulot ng kolonisasyonModyul 7 pagbabagong dulot ng kolonisasyon
Modyul 7 pagbabagong dulot ng kolonisasyon
 
AP 5 Pagbabago dulot ng Kolonisasyon sa Pilipinas
AP 5 Pagbabago dulot ng Kolonisasyon sa PilipinasAP 5 Pagbabago dulot ng Kolonisasyon sa Pilipinas
AP 5 Pagbabago dulot ng Kolonisasyon sa Pilipinas
 
Pag usbong ng terminong bourgeoisie
Pag usbong ng terminong bourgeoisiePag usbong ng terminong bourgeoisie
Pag usbong ng terminong bourgeoisie
 
Ang Daigdig sa Panahon ng Tradisyon
Ang Daigdig sa Panahon ng TradisyonAng Daigdig sa Panahon ng Tradisyon
Ang Daigdig sa Panahon ng Tradisyon
 
Aralin 7: Ang Pag-usbong ng Europe sa Daigdig
Aralin 7: Ang Pag-usbong ng Europe  sa DaigdigAralin 7: Ang Pag-usbong ng Europe  sa Daigdig
Aralin 7: Ang Pag-usbong ng Europe sa Daigdig
 
AP8- MODYUL 5 PAGLAKAS NG SIMBAHANG KATOLIKA.pptx
AP8- MODYUL 5 PAGLAKAS NG SIMBAHANG KATOLIKA.pptxAP8- MODYUL 5 PAGLAKAS NG SIMBAHANG KATOLIKA.pptx
AP8- MODYUL 5 PAGLAKAS NG SIMBAHANG KATOLIKA.pptx
 
Modyul 4 ang kalinangang pilipino sa panahon ng barangay
Modyul 4 ang kalinangang pilipino sa panahon ng barangayModyul 4 ang kalinangang pilipino sa panahon ng barangay
Modyul 4 ang kalinangang pilipino sa panahon ng barangay
 
AP 8 Modyul 3 Summary
AP 8 Modyul 3 SummaryAP 8 Modyul 3 Summary
AP 8 Modyul 3 Summary
 
Proyekto sa araling panlipunan 9
Proyekto sa araling panlipunan 9Proyekto sa araling panlipunan 9
Proyekto sa araling panlipunan 9
 
215868842-Pilipinas-Noong-Panahon-Ni-Rizal.pptx
215868842-Pilipinas-Noong-Panahon-Ni-Rizal.pptx215868842-Pilipinas-Noong-Panahon-Ni-Rizal.pptx
215868842-Pilipinas-Noong-Panahon-Ni-Rizal.pptx
 
Modyul 3 (malabon navotas)grade 7 learning modules - quarter 2
Modyul 3 (malabon navotas)grade 7 learning modules - quarter 2Modyul 3 (malabon navotas)grade 7 learning modules - quarter 2
Modyul 3 (malabon navotas)grade 7 learning modules - quarter 2
 
Modyul 16 ang pag-unlad ng nasyonalismo
Modyul 16   ang pag-unlad ng nasyonalismoModyul 16   ang pag-unlad ng nasyonalismo
Modyul 16 ang pag-unlad ng nasyonalismo
 
More from 南 睿

Paggamit ng mga primaryang sanggunian
Paggamit ng mga primaryang sanggunianPaggamit ng mga primaryang sanggunian
Paggamit ng mga primaryang sanggunian南 睿
 
AP curriculum guide (as of may 2011)
AP curriculum guide (as of may 2011)AP curriculum guide (as of may 2011)
AP curriculum guide (as of may 2011)南 睿
 
AP curriculum guide (as of may 2016)
AP curriculum guide (as of may 2016)AP curriculum guide (as of may 2016)
AP curriculum guide (as of may 2016)南 睿
 
AP curriculum guide (as of december 2013)
AP curriculum guide (as of december 2013)AP curriculum guide (as of december 2013)
AP curriculum guide (as of december 2013)南 睿
 
AP curriculum guide (as of january 2012)
AP curriculum guide (as of january 2012)AP curriculum guide (as of january 2012)
AP curriculum guide (as of january 2012)南 睿
 
K to 12 toolkit 2012
K to 12 toolkit 2012K to 12 toolkit 2012
K to 12 toolkit 2012南 睿
 
Disaster risk reduction resource manual
Disaster risk reduction resource manualDisaster risk reduction resource manual
Disaster risk reduction resource manual南 睿
 
Gr 8 q1( teaching guide 1 part 2)
Gr 8 q1( teaching guide 1 part 2)Gr 8 q1( teaching guide 1 part 2)
Gr 8 q1( teaching guide 1 part 2)南 睿
 
Gr 8 q1 (teaching guide1 part 1)
Gr 8 q1 (teaching guide1 part 1)Gr 8 q1 (teaching guide1 part 1)
Gr 8 q1 (teaching guide1 part 1)南 睿
 
Gr 8 4th intro march 25 tg
Gr 8 4th intro march 25 tgGr 8 4th intro march 25 tg
Gr 8 4th intro march 25 tg南 睿
 
Gr 8 4th aralin 4 march 25 tg
Gr 8 4th aralin 4 march 25 tgGr 8 4th aralin 4 march 25 tg
Gr 8 4th aralin 4 march 25 tg南 睿
 
Gr 8 4th aralin 3 march 25 tg
Gr 8 4th aralin 3 march 25 tgGr 8 4th aralin 3 march 25 tg
Gr 8 4th aralin 3 march 25 tg南 睿
 
Gr 8 4th aralin 2 march 25 tg
Gr 8 4th aralin 2  march 25 tgGr 8 4th aralin 2  march 25 tg
Gr 8 4th aralin 2 march 25 tg南 睿
 
Gr 8 4th aralin 1 march 25 tg
Gr 8 4th aralin 1 march 25 tgGr 8 4th aralin 1 march 25 tg
Gr 8 4th aralin 1 march 25 tg南 睿
 
Gr 8 q3 ( teaching guide 3)doc
Gr 8  q3 ( teaching guide 3)docGr 8  q3 ( teaching guide 3)doc
Gr 8 q3 ( teaching guide 3)doc南 睿
 
Gr 8 q2 ( teaching gude 2)
Gr 8  q2 ( teaching gude 2)Gr 8  q2 ( teaching gude 2)
Gr 8 q2 ( teaching gude 2)南 睿
 
Araling Asyano Learning Module - Fourth Quarter
Araling Asyano Learning Module - Fourth QuarterAraling Asyano Learning Module - Fourth Quarter
Araling Asyano Learning Module - Fourth Quarter南 睿
 
Araling Asyano Learning Module - Third Quarter
Araling Asyano Learning Module - Third QuarterAraling Asyano Learning Module - Third Quarter
Araling Asyano Learning Module - Third Quarter南 睿
 
Araling Asyano Learning Module - Second Quarter
Araling Asyano Learning Module - Second QuarterAraling Asyano Learning Module - Second Quarter
Araling Asyano Learning Module - Second Quarter南 睿
 
Araling Asyano Learning Module - First Quarter
Araling Asyano Learning Module - First QuarterAraling Asyano Learning Module - First Quarter
Araling Asyano Learning Module - First Quarter南 睿
 
More from 南 睿 (20)

Paggamit ng mga primaryang sanggunian
Paggamit ng mga primaryang sanggunianPaggamit ng mga primaryang sanggunian
Paggamit ng mga primaryang sanggunian
 
AP curriculum guide (as of may 2011)
AP curriculum guide (as of may 2011)AP curriculum guide (as of may 2011)
AP curriculum guide (as of may 2011)
 
AP curriculum guide (as of may 2016)
AP curriculum guide (as of may 2016)AP curriculum guide (as of may 2016)
AP curriculum guide (as of may 2016)
 
AP curriculum guide (as of december 2013)
AP curriculum guide (as of december 2013)AP curriculum guide (as of december 2013)
AP curriculum guide (as of december 2013)
 
AP curriculum guide (as of january 2012)
AP curriculum guide (as of january 2012)AP curriculum guide (as of january 2012)
AP curriculum guide (as of january 2012)
 
K to 12 toolkit 2012
K to 12 toolkit 2012K to 12 toolkit 2012
K to 12 toolkit 2012
 
Disaster risk reduction resource manual
Disaster risk reduction resource manualDisaster risk reduction resource manual
Disaster risk reduction resource manual
 
Gr 8 q1( teaching guide 1 part 2)
Gr 8 q1( teaching guide 1 part 2)Gr 8 q1( teaching guide 1 part 2)
Gr 8 q1( teaching guide 1 part 2)
 
Gr 8 q1 (teaching guide1 part 1)
Gr 8 q1 (teaching guide1 part 1)Gr 8 q1 (teaching guide1 part 1)
Gr 8 q1 (teaching guide1 part 1)
 
Gr 8 4th intro march 25 tg
Gr 8 4th intro march 25 tgGr 8 4th intro march 25 tg
Gr 8 4th intro march 25 tg
 
Gr 8 4th aralin 4 march 25 tg
Gr 8 4th aralin 4 march 25 tgGr 8 4th aralin 4 march 25 tg
Gr 8 4th aralin 4 march 25 tg
 
Gr 8 4th aralin 3 march 25 tg
Gr 8 4th aralin 3 march 25 tgGr 8 4th aralin 3 march 25 tg
Gr 8 4th aralin 3 march 25 tg
 
Gr 8 4th aralin 2 march 25 tg
Gr 8 4th aralin 2  march 25 tgGr 8 4th aralin 2  march 25 tg
Gr 8 4th aralin 2 march 25 tg
 
Gr 8 4th aralin 1 march 25 tg
Gr 8 4th aralin 1 march 25 tgGr 8 4th aralin 1 march 25 tg
Gr 8 4th aralin 1 march 25 tg
 
Gr 8 q3 ( teaching guide 3)doc
Gr 8  q3 ( teaching guide 3)docGr 8  q3 ( teaching guide 3)doc
Gr 8 q3 ( teaching guide 3)doc
 
Gr 8 q2 ( teaching gude 2)
Gr 8  q2 ( teaching gude 2)Gr 8  q2 ( teaching gude 2)
Gr 8 q2 ( teaching gude 2)
 
Araling Asyano Learning Module - Fourth Quarter
Araling Asyano Learning Module - Fourth QuarterAraling Asyano Learning Module - Fourth Quarter
Araling Asyano Learning Module - Fourth Quarter
 
Araling Asyano Learning Module - Third Quarter
Araling Asyano Learning Module - Third QuarterAraling Asyano Learning Module - Third Quarter
Araling Asyano Learning Module - Third Quarter
 
Araling Asyano Learning Module - Second Quarter
Araling Asyano Learning Module - Second QuarterAraling Asyano Learning Module - Second Quarter
Araling Asyano Learning Module - Second Quarter
 
Araling Asyano Learning Module - First Quarter
Araling Asyano Learning Module - First QuarterAraling Asyano Learning Module - First Quarter
Araling Asyano Learning Module - First Quarter
 
Recently uploaded

AP Q4 -W3-Day 1-5 1986 EDSA PEOPLE POWER REVOLUTION.pptx
AP Q4 -W3-Day 1-5  1986 EDSA PEOPLE POWER REVOLUTION.pptxAP Q4 -W3-Day 1-5  1986 EDSA PEOPLE POWER REVOLUTION.pptx
AP Q4 -W3-Day 1-5 1986 EDSA PEOPLE POWER REVOLUTION.pptxavegailorladan
 
420506006-Mga-Pangulo-Ng-Pilipinas-at-Ang-Kanilang-Mga-Programa-Copy.pptx
420506006-Mga-Pangulo-Ng-Pilipinas-at-Ang-Kanilang-Mga-Programa-Copy.pptx420506006-Mga-Pangulo-Ng-Pilipinas-at-Ang-Kanilang-Mga-Programa-Copy.pptx
420506006-Mga-Pangulo-Ng-Pilipinas-at-Ang-Kanilang-Mga-Programa-Copy.pptxJoelleG1
 
edukasyon kaugnayan sa pag-aaral, kahalagahan nito at magagawang tulong sa ki...
edukasyon kaugnayan sa pag-aaral, kahalagahan nito at magagawang tulong sa ki...edukasyon kaugnayan sa pag-aaral, kahalagahan nito at magagawang tulong sa ki...
edukasyon kaugnayan sa pag-aaral, kahalagahan nito at magagawang tulong sa ki...Gerlyn Villapando
 
ARALING PANLIPUNAN 10 MGA ISYU AT HAMON SA PAGKAMAMAMAYAN IKAAPAT NA MARKAHA...
ARALING PANLIPUNAN  10 MGA ISYU AT HAMON SA PAGKAMAMAMAYAN IKAAPAT NA MARKAHA...ARALING PANLIPUNAN  10 MGA ISYU AT HAMON SA PAGKAMAMAMAYAN IKAAPAT NA MARKAHA...
ARALING PANLIPUNAN 10 MGA ISYU AT HAMON SA PAGKAMAMAMAYAN IKAAPAT NA MARKAHA...KeanuJulian
 
Panunuring-Pampanitikan Sa Filipino.pptx
Panunuring-Pampanitikan Sa Filipino.pptxPanunuring-Pampanitikan Sa Filipino.pptx
Panunuring-Pampanitikan Sa Filipino.pptxJohnMarkAlarconPunta
 
Aralin pangatnig kahulugan at mga halimbawa
Aralin pangatnig kahulugan at mga halimbawaAralin pangatnig kahulugan at mga halimbawa
Aralin pangatnig kahulugan at mga halimbawaChristineJaneWaquizM
 
Kontemporaryung isyu sa panahon ng bansa.
Kontemporaryung isyu sa panahon ng bansa.Kontemporaryung isyu sa panahon ng bansa.
Kontemporaryung isyu sa panahon ng bansa.KathleenAnnCordero2
 
Ang sektor ng industriya araling panlipunan 10(1).pptx
Ang sektor ng industriya araling panlipunan 10(1).pptxAng sektor ng industriya araling panlipunan 10(1).pptx
Ang sektor ng industriya araling panlipunan 10(1).pptxEduardoReyBatuigas2
 
Quarter 4-MUSIC- Grade 3-Paggammit ng Wastong Tempo.pptx
Quarter 4-MUSIC- Grade 3-Paggammit ng Wastong Tempo.pptxQuarter 4-MUSIC- Grade 3-Paggammit ng Wastong Tempo.pptx
Quarter 4-MUSIC- Grade 3-Paggammit ng Wastong Tempo.pptxMelanieDionisio3
 
ibongadarnappt-lesson 1.pptx................................
ibongadarnappt-lesson 1.pptx................................ibongadarnappt-lesson 1.pptx................................
ibongadarnappt-lesson 1.pptx................................ferdinandsanbuenaven
 
PPT week5 MATH.4th QUARTER POWERPOINT PRESENTATION
PPT week5 MATH.4th QUARTER POWERPOINT PRESENTATIONPPT week5 MATH.4th QUARTER POWERPOINT PRESENTATION
PPT week5 MATH.4th QUARTER POWERPOINT PRESENTATIONFarahDeGuzman
 
Edukasyon sa Pagpapakatao 6_4th_week3_melc.pptx
Edukasyon sa Pagpapakatao 6_4th_week3_melc.pptxEdukasyon sa Pagpapakatao 6_4th_week3_melc.pptx
Edukasyon sa Pagpapakatao 6_4th_week3_melc.pptxMaestroSonnyTV
 
karapatang-pantao-2.ppttttttttttttttttttttttttttttt
karapatang-pantao-2.pptttttttttttttttttttttttttttttkarapatang-pantao-2.ppttttttttttttttttttttttttttttt
karapatang-pantao-2.pptttttttttttttttttttttttttttttJuliaFaithMConcha
 
FOURTH QUARTER REVIEWER FOR ARALING PANLIPUNAN
FOURTH QUARTER REVIEWER FOR ARALING PANLIPUNANFOURTH QUARTER REVIEWER FOR ARALING PANLIPUNAN
FOURTH QUARTER REVIEWER FOR ARALING PANLIPUNANJullianeOrtiz
 
IBAT IBANG URI NG NEGOSYO Presentation.pptx
IBAT IBANG URI NG NEGOSYO Presentation.pptxIBAT IBANG URI NG NEGOSYO Presentation.pptx
IBAT IBANG URI NG NEGOSYO Presentation.pptxjudilynmateo2
 
PANANALIKSIK-ARALIN-16 (1)-1.pdf power point
PANANALIKSIK-ARALIN-16 (1)-1.pdf power pointPANANALIKSIK-ARALIN-16 (1)-1.pdf power point
PANANALIKSIK-ARALIN-16 (1)-1.pdf power pointYollySamontezaCargad
 
Epekto ng mga Ekstrakurikular na gastusin Title-Defense-Group-1 (1).pptx
Epekto ng mga Ekstrakurikular na gastusin Title-Defense-Group-1 (1).pptxEpekto ng mga Ekstrakurikular na gastusin Title-Defense-Group-1 (1).pptx
Epekto ng mga Ekstrakurikular na gastusin Title-Defense-Group-1 (1).pptxJoyceAgrao
 
Module 1_ Pambansang Kaunlaran-Aral-Pan 9
Module 1_ Pambansang Kaunlaran-Aral-Pan 9Module 1_ Pambansang Kaunlaran-Aral-Pan 9
Module 1_ Pambansang Kaunlaran-Aral-Pan 9IvyGraceSuarezCalipe
 
Tauhan sa Noli me Tangere at ang mga ganap o ginagampanan nila
Tauhan sa Noli me Tangere at ang mga ganap o ginagampanan nilaTauhan sa Noli me Tangere at ang mga ganap o ginagampanan nila
Tauhan sa Noli me Tangere at ang mga ganap o ginagampanan nilajohnrohannebasale
 
El Filibusterismo Kabanata 7-10 (Grade10
El Filibusterismo Kabanata 7-10 (Grade10El Filibusterismo Kabanata 7-10 (Grade10
El Filibusterismo Kabanata 7-10 (Grade10cathyrinebuhisan2
 
Recently uploaded (20)

AP Q4 -W3-Day 1-5 1986 EDSA PEOPLE POWER REVOLUTION.pptx
AP Q4 -W3-Day 1-5  1986 EDSA PEOPLE POWER REVOLUTION.pptxAP Q4 -W3-Day 1-5  1986 EDSA PEOPLE POWER REVOLUTION.pptx
AP Q4 -W3-Day 1-5 1986 EDSA PEOPLE POWER REVOLUTION.pptx
 
420506006-Mga-Pangulo-Ng-Pilipinas-at-Ang-Kanilang-Mga-Programa-Copy.pptx
420506006-Mga-Pangulo-Ng-Pilipinas-at-Ang-Kanilang-Mga-Programa-Copy.pptx420506006-Mga-Pangulo-Ng-Pilipinas-at-Ang-Kanilang-Mga-Programa-Copy.pptx
420506006-Mga-Pangulo-Ng-Pilipinas-at-Ang-Kanilang-Mga-Programa-Copy.pptx
 
edukasyon kaugnayan sa pag-aaral, kahalagahan nito at magagawang tulong sa ki...
edukasyon kaugnayan sa pag-aaral, kahalagahan nito at magagawang tulong sa ki...edukasyon kaugnayan sa pag-aaral, kahalagahan nito at magagawang tulong sa ki...
edukasyon kaugnayan sa pag-aaral, kahalagahan nito at magagawang tulong sa ki...
 
ARALING PANLIPUNAN 10 MGA ISYU AT HAMON SA PAGKAMAMAMAYAN IKAAPAT NA MARKAHA...
ARALING PANLIPUNAN  10 MGA ISYU AT HAMON SA PAGKAMAMAMAYAN IKAAPAT NA MARKAHA...ARALING PANLIPUNAN  10 MGA ISYU AT HAMON SA PAGKAMAMAMAYAN IKAAPAT NA MARKAHA...
ARALING PANLIPUNAN 10 MGA ISYU AT HAMON SA PAGKAMAMAMAYAN IKAAPAT NA MARKAHA...
 
Panunuring-Pampanitikan Sa Filipino.pptx
Panunuring-Pampanitikan Sa Filipino.pptxPanunuring-Pampanitikan Sa Filipino.pptx
Panunuring-Pampanitikan Sa Filipino.pptx
 
Aralin pangatnig kahulugan at mga halimbawa
Aralin pangatnig kahulugan at mga halimbawaAralin pangatnig kahulugan at mga halimbawa
Aralin pangatnig kahulugan at mga halimbawa
 
Kontemporaryung isyu sa panahon ng bansa.
Kontemporaryung isyu sa panahon ng bansa.Kontemporaryung isyu sa panahon ng bansa.
Kontemporaryung isyu sa panahon ng bansa.
 
Ang sektor ng industriya araling panlipunan 10(1).pptx
Ang sektor ng industriya araling panlipunan 10(1).pptxAng sektor ng industriya araling panlipunan 10(1).pptx
Ang sektor ng industriya araling panlipunan 10(1).pptx
 
Quarter 4-MUSIC- Grade 3-Paggammit ng Wastong Tempo.pptx
Quarter 4-MUSIC- Grade 3-Paggammit ng Wastong Tempo.pptxQuarter 4-MUSIC- Grade 3-Paggammit ng Wastong Tempo.pptx
Quarter 4-MUSIC- Grade 3-Paggammit ng Wastong Tempo.pptx
 
ibongadarnappt-lesson 1.pptx................................
ibongadarnappt-lesson 1.pptx................................ibongadarnappt-lesson 1.pptx................................
ibongadarnappt-lesson 1.pptx................................
 
PPT week5 MATH.4th QUARTER POWERPOINT PRESENTATION
PPT week5 MATH.4th QUARTER POWERPOINT PRESENTATIONPPT week5 MATH.4th QUARTER POWERPOINT PRESENTATION
PPT week5 MATH.4th QUARTER POWERPOINT PRESENTATION
 
Edukasyon sa Pagpapakatao 6_4th_week3_melc.pptx
Edukasyon sa Pagpapakatao 6_4th_week3_melc.pptxEdukasyon sa Pagpapakatao 6_4th_week3_melc.pptx
Edukasyon sa Pagpapakatao 6_4th_week3_melc.pptx
 
karapatang-pantao-2.ppttttttttttttttttttttttttttttt
karapatang-pantao-2.pptttttttttttttttttttttttttttttkarapatang-pantao-2.ppttttttttttttttttttttttttttttt
karapatang-pantao-2.ppttttttttttttttttttttttttttttt
 
FOURTH QUARTER REVIEWER FOR ARALING PANLIPUNAN
FOURTH QUARTER REVIEWER FOR ARALING PANLIPUNANFOURTH QUARTER REVIEWER FOR ARALING PANLIPUNAN
FOURTH QUARTER REVIEWER FOR ARALING PANLIPUNAN
 
IBAT IBANG URI NG NEGOSYO Presentation.pptx
IBAT IBANG URI NG NEGOSYO Presentation.pptxIBAT IBANG URI NG NEGOSYO Presentation.pptx
IBAT IBANG URI NG NEGOSYO Presentation.pptx
 
PANANALIKSIK-ARALIN-16 (1)-1.pdf power point
PANANALIKSIK-ARALIN-16 (1)-1.pdf power pointPANANALIKSIK-ARALIN-16 (1)-1.pdf power point
PANANALIKSIK-ARALIN-16 (1)-1.pdf power point
 
Epekto ng mga Ekstrakurikular na gastusin Title-Defense-Group-1 (1).pptx
Epekto ng mga Ekstrakurikular na gastusin Title-Defense-Group-1 (1).pptxEpekto ng mga Ekstrakurikular na gastusin Title-Defense-Group-1 (1).pptx
Epekto ng mga Ekstrakurikular na gastusin Title-Defense-Group-1 (1).pptx
 
Module 1_ Pambansang Kaunlaran-Aral-Pan 9
Module 1_ Pambansang Kaunlaran-Aral-Pan 9Module 1_ Pambansang Kaunlaran-Aral-Pan 9
Module 1_ Pambansang Kaunlaran-Aral-Pan 9
 
Tauhan sa Noli me Tangere at ang mga ganap o ginagampanan nila
Tauhan sa Noli me Tangere at ang mga ganap o ginagampanan nilaTauhan sa Noli me Tangere at ang mga ganap o ginagampanan nila
Tauhan sa Noli me Tangere at ang mga ganap o ginagampanan nila
 
El Filibusterismo Kabanata 7-10 (Grade10
El Filibusterismo Kabanata 7-10 (Grade10El Filibusterismo Kabanata 7-10 (Grade10
El Filibusterismo Kabanata 7-10 (Grade10
 
Modyul 09 sistemang piyudal ok

  • 1. ARALING PANLIPUNAN III (Effective Alternative Secondary Education) MODYUL 9 SISTEMANG PIYUDAL SA GITNANG PANAHON SA EUROPA BUREAU OF SECONDARY EDUCATION Department of Education DepEd Complex, Meralco Avenue Pasig City
  • 2. MODYUL 9 SISTEMANG PIYUDAL SA GITNANG PANAHON SA EUROPA Ang modyul na ito ay magdadala sa iyo sa Gitnang Panahon sa Kanlurang Europa kung kailan ang sistemang piyudal ang umiral. Kaakibat nito ang sistemang pampulitika, panlipunan, at pang-ekonomiya noong mga panahong iyon. Ang sistemang pampulitika ay makikita sa desentralisadong pamamahala. Ang sistemang pang-ekonomiya ay naisasalarawan ng sistemang manoryal na siyang sentro ng mga gawaing pangkabuhayan. Ang sistemang panlipunan naman ay makikita sa pagkakapangkat-pangkat ng lipunan sa tatlo: 1) uring maharlika; 2) mga klerigo; 3) at mga pesante. Ang Simbahang Katoliko ang naging tagapagbuklod ng mga estadong Kristiyano. Ang Simbahan at ang pagsunod sa mga doktrina nito ay naging malaking bahagi ng araw-araw na gawain ng tao. May tatlong araling inihanda para sa inyo sa modyul na ito: Aralin 1: Ang Pag-usbong ng Piyudalismo Aralin 2: Ang Sistemang Manoryal Aralin 3: Ang Pagsimula at Paglaganap ng mga Bayan at Lungsod Pagkatapos ng mga gawain sa modyul, ikaw ay inaasahang: 1. Makapagtatalakay ng mga pangyayaring nagbigay-daan sa pag-usbong at paglaganap ng piyudalismo sa Gitnang Panahon sa Europa; 2. Makapaglalarawan ng ugnayan ng mga hari, basalyo, kabalyero, at magbubukid sa sistemang piyudal; 3. Makapagpapaliwanag ng mga salik ng sistemang manoryal;
  • 3. 4. Makatutukoy ng ginampanang papel ng Simbahan sa sistemang piyudal; at 5. Makapagbibigay ng kuro-kuro hinggil sa impluwensya ng sistemang piyudal sa kasalukuyang panahon. Handa ka na ba? Subukan mong sagutin ang mga sumusunod na tanong. Huwag kang mangamba sa pagsagot. May mga tulong sa pag-aaral na inihanda para sa iyo. PANIMULANG PAGSUSULIT: Panuto: Bilugan ang titik ng tamang sagot. 1. Alin sa mga sumusunod ang tamang pagsasalarawan ng mga Burgis? a. Sila ay nabibilang sa maharlika. b. Sia ay mayamang mangangalakal. c. Sila ay panginoon ng magbubukid. d. Sila ay pinuno ng guild. 2. Ang basalyo ay yaong tao na: a. nagbigay ng lupa. b. nabigyan ng lupa. c. nagtatrabaho sa lupa. d. nangungolekta ng buwis. 3. Ang tawag sa artisano na nagpapakadalubhasa sa kanyang gawain sa pamamagitan ng pagsasanay sa gabay ng master ay a. journeyman b. burgis c. apprentice d. bailiff
  • 4. 4. Sa sistemang piyudal, ang sentro ng lipunan at ekonomiya ng mga tao ay ang: a. kastila. b. palasyo. c. manor. d. simbahan. 5. Mahalaga ang papel ng mga kabalyero sa sistemang piyudal dahil sa sila ang gumaganap ng gawaing a. panlipunan. b. pang-ekonomiya. c. panrelihiyon. d. pangmilitar. 6. Ang bansa kung saan maraming lungsod ang umunlad dahil sa kalakal ay a. Ingglatera b. Pransiya c. Italya d. Alemanya 7. Ang unang paggamit ng pera o salapi sa kalakalan ay naganap sa a. manor b. perya c. banko d. pistahan 8. Ang pag-iral ng sistemang piyudal sa Gitnang Panahon ay nag-ugat sa a. pagbasak ng Emperyong Roma. b. paghina ng Banal na Emperyong Roma. c. pagsalakay ng mga Asyano. d. paglakas ng Simbahang Kristiyano. 9. Ang pag-unlad ng kalakalan sa pagitan ng mga lunsod ng Italya at Gitnang Asya ay nag-ugat sa a. Piyudalismo. b. Krusada. c. Sistemang Guild. d. Kristiyanismo. 10.Alin sa mga sumusunod ang hindi salik sa pag-unlad ng mga kabayanan? a. Bagong teknolohiya sa pagtatanim b. Paglakas ng kalakalan c. Bagong pamamaraan sa pagtatanim d. Pagtatayo ng “guild”
  • 5. 5 ARALIN 1 ANG PAG-USBONG NG PIYUDALISMO Ang paghina ng pamamahala ng tagapagmana ni Charlemagne ang nagpasimula ng sistema kung saan ang local na pamamahala ay lumakas. Dito mag- uugat ang piyudalismo. Matapos ang araling ito, inaasahang magagawa mo ang mga sumusunod: 1. Matutukoy ang pag-usbong ng piyudalismo sa Kanlurang Europa; 2. Maipaliliwanag ang katangian ng institusyong ito; 3. Mailalarawan ang panlipunan at pampulitikal na katangian nito; at 4. Matutukoy ang papel ng kabalyero sa sistemang piyudal. Gawain 1: Pag-isipan Mo! Bilang Pilipino, napag-aralan mo sa Kasaysayan ng Pilipinas ang tungkol sa Sistemang Encomienda noong panahon ng Kastila. Magbigay ng dalawang katungkulan ng Encomienda at dalawa ring katungkulan ng nasasakop na Indio. Isulat sa isang pirasong papel at itabi hanggang matapos mong basahin ang aralin na ito.
  • 6. 6 Ang Pagtatag ng Piyudalismo Ang Piyudalismo sa Gitnang Panahon ay nag-ugat sa paghahati-hati ng Banal na Imperyo ni Charlemagne batay sa kasunduan sa Verdum. Mahihinang tagapamahala ang mga tagapagmana ni Charlemagne kaya ang mga opisyal ng pamahalaan at mga may-ari ng lupain ay humiwalay sa pamumuno ng hari. Naibangon muli ang mga local na pamahalaan na ngayon ay pinatatakbo ng mga maharlikha katulad ng mga konde at duke. Sa sitwasyong ito pumasok ang mga barbarong Viking, Magyar, at Muslim. Sinalakay nila ang iba’t ibang panig ng Europa lalo na sa bandang Pransya. Ang mga Viking na kilala rin sa tawag na Normans ay nabigyan ng lupain sa bandang Pransya kapalit ng pagtanggap nila ng Kristiyanismo. Ang lupaing napasakanila ay kilala ngayon sa tawag na Normandy. Ang madalas na pagsalakay na ito ng mga barbaro ay nagbigay ligalig sa mga mamamayan ng Europa. Dahil dito, hinangad ng lahat ang pagkakaroon ng proteksyon kaya naitatag ang sistemang piyudalismo. Ang Institusyong Piyudalismo Ang salitang Piyudalismo (Feudalism) ay hango sa salitang “feodus” or “fief”, ang salitang tumutukoy sa lupa na ibinigay sa unang basalyo (vassal). Ang may-ari ng lupa (Panginoon) ay nangakong bibigyan ng protesyon ang basalya at ipagtatanggol ang kanilang karangalan. Ang basalyo naman ay nangako ring magiging matapat sa panginoong piyudal at magbibigay ng suporta sa oras ng pangangailangan katulad ng pakikipaglaban sa digmaang kinasasangkutan ng panginoon at paminsan-minsang pagbibigay ng tirahan, aliw, at pagkain sa panginoong piyudal. Sa sistemang umiiral sa Europa, ang salitang basalyo at panginoon ay nagkakaugnay. Ang isang basalyo ay maaari ding tawaging panginoon kung siya ay magbibigay ng bahagi ng kanyang lupa sa isang tao na ngayon ay tatawagin niyang basalyo.
  • 7. 7 Ang Piyudalismo Bilang Pamahalaan Sa sistemang piyudal, ang basalyo ay may layang pamahalaan ang lupang nasasakupan. Siya na ang nag-aayos ng usaping legal at namamahala sa sandatahang lakas, supply ng pagkain, at paniningil ng buwis. Sistemang Panlipunan Sa sistemang piyudal, ang lipunan ay nakalathala sa tatlo: 1. maharlika - kinabibilangan ng hari, basalyo, at iba pang panginoon 2. pari o clerigo - ang tanging pangkat na nakapag-aral ng iba’t ibang asignatura, bukod pa sa pakikipagdigma. Ang mga Obispo at iba pang matataas na ranggong Clerigo ay namumuhay na parang mayayaman samantalang ang pari sa nayon ay mula sa mababang uri at hindi gaanong nakapag-aral. Ang Kabalyero sa Sistemang Piyudal Ang lalaki na mula sa mababang antas ng lipunan ay halos hindi nabibigyan ng pagkakataong maging kabalyero. Para makatiyak na ang mga magiging kabalyero ay manggagaling sa angkang maharlikha, ang pagsasanay sa pagkakabalyero ay mahigpit. Ang kabalyero ay mula sa salitang Pranses na “Chevalier” na ang ibig sabihin ay mangangabayo. Ang nagnanais na maging kabalyero ay dumadaan sa pagsasanay ayon sa Codigo ng pagiging Kabalyero. Ang pagsasanay ay nagsisimula sa mga gulang na pitong taon kung saan siya ay nagsisilbi sa Corte ng kastilyo o palasyo bilang “valet” (little vassal) o damoireau (little lord) habang natututo ng kagandahang asal at pagsasanay sa pakikidigma. Sa pagbibinata, siya ay magiging “assistant” o “squire” ng kabalyero. Maaari na siyang sumama sa digmaan at kung mapatunayan ang kanyang kasanayan sa kagandahang asal at pakikidigma, siya ay gagawin nang kabalyero sa
  • 8. 8 pamamagitan ng isang seremonya kung saan siya ay bibigyan na ng damit at gamit pandigma. Gawain 2: Pagpapalalim ng Kaalaman Kunin mo ang iyong ginawa sa Gawain 1 at ngayon ay magtala ng dalawang katungkulan na ginagampanan ng panginoong piyudal at dalawa ring katungkulan ng basalyo. Ihambing mo ang dalawang gawain na ginawa mo at magbigay ng pagkakahawig at pagkakaiba ng mga nasabing tungkulin. Sundan ang “format” na ito: Katungkulan Paghahambing Panahon ng Kastila Panahong Piyudal Pagkakahawig Pagkakaiba A. Encomendero A. Panginoong Piyudal 1. 1. 1. 1. 2. 2. 2. 2. B. Indio (Tenant) B. Basalyo 1. 1. 1. 1. 2. 2. 2. 2.
  • 9. 9 Tandaan Mo! Ang piyudalismo ay isang sistema kung saan mahigpit ang kasunduan ng panginoong piyudal at basalyo. Bawat isa ay may katungkulan na dapat tuparin. ARALIN 2 SISTEMANG MANORYAL Ang sistemang manoryal ay nakasalalay sa pagsasaka. Dito kinukuha ang panggastos para sa pagpapatakbo ng pamahalaang piyudal. Ang manor ay sentro ng lipunan at ekonomiya ng mga tao na nakatira dito. Ikaw ba ay nakapunta na sa isang hacienda dito? Kung nakapunta ka na, may pagkakahawig ang kaanyuan ng dalawa. Pagkatapos mong basahin ang Araling ito, inaasahan na iyong: 1. Maisasalarawan ang manor; 2. Maipaliliwanag ang sistemang umiiral dito; at 3. Mapahahalagahan ang papel ng babae sa manor.
  • 10. 10 Gawain 1: Pag-isipan Mo! Tingnan mo ang larawan sa ibaba. Ito ay larawan ng manor. Ano ang masasabi mo sa kaayusan ng manor? ________________________________________________________________ ______________________________________________________________________ ______________________________________________________________________ ______________________________________________________________________ ______________________________________________________________________ ______________________________________________________________________ ______________________________________________________________________ ______________________________________________________________________
  • 11. 11 Sistemang Manoryal Ang sistemang manoryal ang sistemang pang-ekonomiya noong Gitnang Panahon. Sa manor nanggagaling ang halos lahat ng produkto at serbisyong kailangan ng mga tao. Pagasasaka: Batayan ng Sistemang Manor Ang sistemang manor ang sentro ng lipunan at ekonomiya ng mga tao na nakatira dito. Ang isang fief ay maaaring binuo ng maraming manor na nakahiwalay sa isa’t isa. Ito ay maaaring maihalintulad sa isang pamayanan (village) kung saan ang mga naninirahan dito ay umaasa ng kanilang ikabubuhay sa pagsasaka sa manor. Sa kabilang dako ang kanilang panginoon ay dito rin umaasa sa kita ng pagsasaka sa manor na kanyang magiging kayamanan. Ang kastilyo ng panginoong piyudal ang pinakapusod ng isang manor. Maari ring ang bahay sa manor ay isang malaking nababakurang gusali o kaya ay palasyo. Ang lupain sa loob ng manor ay nahahati ayon sa paggagamitan nito. Kumpleto sa mga kakailanganin ng magsasaka ang mga gamit sa manor. Para sa mga naninirahan doon, ang mga pangangailangan nila ay napapaloob na sa manor. Nandiyan ang kamalig, kiskisan, panaderya, at kuwadra ng panginoon. Mayroon ding simbahan, pandayan, at pastulan. Kung maibigan ng panginoon, ang mga kaparangan at kagubatan ay kanyang hinahati ngunit nag-iiwan siya ng pastulan na maaaring gamitin ng lahat. Ang Pamamahala sa Manor Ang Panginoong Piyudal ay karaniwang abala sa pakikidigma. Sa ganitong pagkakataon ang pamamahala sa manor ay ipinagkakatiwala sa mga piling opisyales. Halimbawa sa England ang mga pinagkakatiwalaan ay tinatawag na steward, bailiff, at reeve. Ang steward ang may pinakamataas na ranggo. Siya ang legal na
  • 12. 12 tagapamahala sa korte ng manor. Binibisita niya ang iba’t ibang manor para matingnan ang sitwasyon dito. Ang bailiff naman ang nangangasiwa sa mga gawain ng magbubukid at sa pagsasaka. Siya ang namamahala sa pagkukuwenta ng salapi at sa paniningil ng upa, multa, at iba pang bayarin. Ang reeve ay tumutulong sa bailiff. Maraming reeve ang kailangan kapag ang manor ay malaki. Sila ang namamahala sa pagpaparami ng dayami at sa pagtatago nito. Sila rin ang nag-aalaga ng kawan ng hayop at sa nag-aani ng mga pananim. Siya rin ang nagpapaabot sa panginoong piyudal ng reklamo ng mga magbubukid tungkol sa mga opisyales. Sa panig naman ng mga pesante, sila ay obligadong magtrabaho ng dalawa hanggang tatlong araw sa bawat linggo sa lupa ng panginoong piyudal. Bahagi ng kanilang ani ay kinukuha bilang buwis. Kung sila naman ay gumagawa ng tinapay o alak, halos lahat ng ito ay ibibigay din sa panginoon. Ang mga itinuturing na serf ay hindi malayang makaalis sa manor. Sila ay itinuturing na pag-aari ng panginoon. Hindi rin sila makapangaso sa gubat o makapangisda sa batis. Dahil sa walang pinag-aralan at itinuturing na tanga, ang mga magbubukid ay nakakita ng kasiyahan sa mga paniniwala tungkol sa mangkukulam, mahika, at halimaw. Kung minsan sila ay nagdaraos ng kasiyahan tulad ng piyesta, sayawan, at paligsahan. Katayuan ng mga babae sa Manor Ang mga babaeng nabibilang sa maharlikang angkan ay tinatawag na “ladies”. Sila ay nagmamana ng lupain at maaaring humawak ng mahalagang posisyon. Kung nasa digmaan ang Panginoong Piyudal, ang mga asawa nito ang namamahala ng manor at nagtatanggol dito kapag nagkaroon ng mga pagsalakay. Kung sakaling ang panginoon ay nabihag, ang asawa nito ang nagtitipon ng pantubos upang siya ay mailigtas.
  • 13. 13 Ang mga babaeng magbubukid naman ay gumagawa ng lahat ng trabaho sa bukid. Sila ang nagtatanim at nag-aani ng mga butil. Sila ang naggugupit ng balahibo ng tupa at naggagatas sa baka. Gumagawa din sila ng atip na pangbubong mula sa dayami. Maagang nag-aasawa noon ang babae. Sa gulang na labing-apat, siya ay maaari nang ipagkasundo. May mga pagkakataon na sanggol pa lang ang babae ay maaari na rin siyang ipagkasundo. Ang babae ay pwede lamang makasal kung siya ay mayroong dote na salapi, lupa, o produkto na kanyang dadalhin o babaunin sa pagpapakasal. Gawain 2: Pagpapalalim ng Kaalaman Magbigay ng reaksiyon o komentaryo sa papel na ginagampanan ng babae sa manor. Mayroon na bang pagpapahalaga sa babae noon? Tandaan Mo! Ang manor ay mahalagang bahagi ng fief. Dito nakasalalay ang ikabubuhay ng lahat ng tao—mula maharlika hanggang serf.
  • 14. 14 ARALIN 3 ANG PAGSIMULA AT PAGLAGANAP NG MGA BAYAN AT LUNGSOD Panahon ng ika-sampu hanggang ikalabing-isang dantaon ng lumitaw ang mga bagong bayan at lungsod sa Europa. Ang pinakamabilis na pag-unlad ay naganap noong ikalabintatlong dantaon. Ang lungsod ay lugar kung saan ang mga bagong uri ng tao ay yumaman at naging makapangyarihan. Ito rin ang nagsilbing sentro ng edukasyon, panitikan, at sining. Matapos ang araling ito, inaasahan na iyong: 1. Maisasalarawan ang sitwasyon na naging salik sa pagsimula at paglaganap ng lungsod; 2. Matutukoy ang mga lugar sa Europa na naapektuhan ng maunlad na kalakalan; at 3. Maisasalarawan ang bagong uri ng tao. Gawain 1: Pag-isipan Mo! Dito sa Metro Manila, maraming bayan ang naging siyudad. Dati-rati apat lang ang siyudad dito: Manila, Quezon City, Caloocan, at Pasay City. Bakit sa huling tatlong taon halos lahat ng bumubuo sa Metro Manila ay siyudad na? Magtala ka nga ng 8 bayan sa Metro Manila na naging siyudad kamakailan lang. Ano kaya ang mga katangian ng mga bayan na ito para gawing siyudad?
  • 15. 15 Bayan Katangian 1. 1. 2. 2. 3. 3. 4. 4. 5. 5. 6. 6. 7. 7. 8. 8. Kalakalan sa pagitan ng Lungsod ng Italya at ng Gitnang Silangan Ang krusada ay may malaking naidulot sa pag-unlad ng kalakalan sa pagitan ng mga lungsod sa Italya at Gitnang Silangan. Nagkaroon ng palitan ng produkto. Ang mga tao sa Kanlurang Europa, lalo na ang mga maharlika ay nagustuhan ang mga pampalasa at telang seda mula sa Asya. Ang kalakal na mula sa mga lungsod ng Venice, Genoa, at iba pang lungsod sa Italya ay dinadala rin patungong Inglatera at hilagang Europa. Dahil sa pag-unlad ng kalakalan sa pagitan ng Europa at Asya, lumawak ang kalakalan.
  • 16. 16 Paglago ng mga Bayan Ang paglakas ng kalakalan ay naging malaking tulong sa paglago ng mga bayan. Nagkaroon ng pagbabago sa agrikultura bunsod ng pagtuklas ng mga bagong teknolohiya at mga bagong pamamaraan sa pagtatanim. Bunga nito, tumaas ang ani kaya nagkaroon ng magandang uri ng pamumuhay ang mga tao. Nakatulong din nang malaki ang pagsasaayos ng mga kalsada upang mapadali ang pagdala at pagbili ng mga produktong agrikultural. Marami ang nanirahan sa mga lugar na malapit sa pangunahing daan. Paggamit ng salapi Sa unang mga taon ng Gitnang Panahon, ang sistema ng kalakalan ay palitan ng produkto o barter. Dinadala ng mga magbubukid o kaya ng “serf” ang mga produktong bukid o produktong gawa sa bahay sa mga lokal na pamilihan. Dito nagpapalitan ng produkto ang mga tao. Ang local na pamilihan ay nagaganap lamang bawat linggo sa mga malalawak na lugar malapit sa palasyo o simbahan. Sa paglawak ng kalakalan kung saan maraming lugar na ang sumali, naisip ng panginoong piyudal na magtatag ng taunang perya. Dito sa peryang ito nagkatagpo- tagpo ang mga mangangalakal. Sa peryang ito kumikita ang panginoong piyudal dahil siya ay naniningil ng buwis at multa dito. Dito sa peryang ito nakita ang paggamit ng salapi ngunit iba-iba ang kanilang salaping barya. Dahil dito, nagsulputan ang mga namamalit ng salapi (money changer), na sa maliit na halaga ay namamalit ng iba’t ibang barya. Sa pagpapalit ng salapi na ito nasabing nagsimula ang pagbabangko. Natuklasan ng ilang mangangalakal na hindi delikado ang mag-iwan ng malalaking halaga sa mga namamalit ng salapi. Ang salaping ito ay ipinauutang din nang may tubo. Ang isang mangangalakal ay maari ring magdeposito ng salapi sa isang lungsod at bibigyan siya ng resibo. Itong dineposito niya ay maaari niyang kolektahin sa ibang lungsod. Sa ganitong paraan naging ligtas ang paglipat ng salapi.
  • 17. 17 Ang sistemang ito ng pagpapautang at pagbabangko ay nalinang sa hilagang Italya. Ang paggamit ng pera ay nakatulong sa paglalapit ng mga tao buhat sa iba’t ibang lugar. Ang paglitaw ng Burgis Sa pag-unlad ng kalakalan at industriya at paglawak ng mga bayan, isang makapangyarihang uri ng tao ang lumitaw. Sila ay tinatawag na burgis (men of burg o burgers o bourgeoisie). Ang interes ng grupong ito ay nasa kalakalan. Ang mataas na uri ng bourgeoisie ay ang mga mauunlad na negosyante at mga bangkero. Ang kanilang mga anak ay nag-aaral sa mga magagaling na unibersidad. Ang mga bourgeoisie ay ang nagiging gitnang uri at mababa ang pagtingin sa kanila ng panginoong piyudal dahil sa sila ay mga bagong yaman lamang. Ang mga burgis ay patuloy na umiral at sila ang nagtaguyod ng sining at nakalinang ng sariling uri ng pagkamaharlika. Mababa rin ang pagtingin nila sa mga dalubhasang manggagawa kaya nagkaroon ng pag-uuri ng tao sa lipunan batay sa yaman at hindi na sa angkan. Ang Sistemang “Guild” Ang “guild” ay isang samahang institusyunal na ang pangunahing layunin ay protektahan ang interes ng mga kasapi. Bawat “guild” ay may sinusunod na patakaran. Nawata nila ang pagsali sa kalakalan nang hindi kasali sa “guild”. Ang “guild” ng artisano ang nangangasiwa sa pagsasanay ng isang tao sa pamamagitan ng sistemang “apprenticeship”. Bago tanghaling dalubhasa ang isang artisano, siya ay dumadaan sa dalawang antas ng pagsasanay: 1) ang kandidato (apprentice) ay kailangang tumira kasama ang isang dalubhasa o master sa gawaing nais niyang pag-aralan. Siya ay bibigyan ng damit at tuturuan ng kagandahang asal. Obligasyon ng apprentice ang sundin lahat ang utos ng master at kailangang manatiling lihim ang mga sikreto sa sining at paggawa na natutuhan niya sa master. Ang antas na
  • 18. 18 ito ay 3 hanggang 12 taon; at 2) sa ikalawang antas siya ay magiging journeyman, isang bihasang artisano na naglilingkod sa isang panibagong master at tumatanggap ng araw-araw na sahod. Ang gawa ng isang artisano na pumasa sa pamantayan ng “guild” ay itinuturing na “obra maestra”. Gawain 2: Pagpapalalim ng Kaalaman Sagutin ang mga sumusunod. 1. Ikaw ba ay nakaranas nang manirahan sa probinsiya o nayon? Kung napatira ka na doon, ano ang mga magagandang katangian ng probinsiya? a. ________________________________________________________ ________________________________________________________ b. ________________________________________________________ ________________________________________________________ c. ________________________________________________________ ________________________________________________________ 2. Kung ikaw naman ay hindi pa nakaranas manirahan sa probinsiya, ano ang mga nalalaman mo o naririnig na katangian ng probinsiya? a. ________________________________________________________ ________________________________________________________ b. ________________________________________________________ ________________________________________________________ c. ________________________________________________________ ________________________________________________________
  • 19. 19 3. Kung ikaw ay papipiliin, saan mo gustong manatili? Bakit? ___________________________________________________________ ________________________________________________________________ ________________________________________________________________ Tandaan Mo! Ang lungsod ay kilala sa umiiral na malakas na kalakalan noong Gitnang Panahon lalo na noong matapos ang Krusada. MGA DAPAT TANDAAN SA MODYUL NA ITO Ang piyudalismo ay isang sistema kung saan mahigpit ang kasunduan ng panginoong piyudal at basalyo. Bawat isa ay may katungkulan na dapat tuparin. Ang manor ay mahalagang bahagi ng fief. Dito nakasalalay ang ikabubuhay ng lahat ng tao—mula maharlika hanggang serf. Ang lungsod ay kilala sa umiiral na malakas na kalakalan noong Gitnang Panahon lalo na noong matapos ang Krusada.
  • 20. 20 PANGHULING PAGSUSULIT: Panuto: Piliin ang titik ng tamang sagot. 1. Ang manor ay pag-aari ng a. Magsasaka b. Mangangalakal c. Panginoon d. Simbahan 2. Alin sa sumusunod ang hindi lungsod ng Italya? a. Genea b. Venice c. Cologne d. Milan 3. Isang piyesta sa pamilihan na karaniwang idinaraos kung pista opisyal kung saan maraming mangangalakal galing sa iba’t-ibang panig ng Europa ang dumarating para mamili at magtinda. a. Pasko b. Perya c. Palaro d. Torneo 4. Ang samahang midyibal na binubuo ng mangangalakal at manggagawa na naglalayong protektahan ang kanilang sarili sa di makatarungang paggawa, presyo, at suweldo. a. Basalyo b. Guild c. Burgis d. Maharlika 5. Isang bagong pangkat ng tao na lumitaw at ang layunin ay para mangalakal, hindi pandirigma. a. Basalyo b. Kabalyero
  • 21. 21 c. Burgis d. Apprentice 6. Noong panahong midyibal ang sentro ng kalakal ay mga lungsod sa Italy at ___, a. America b. Gitnang Silangan c. China d. Silangang Indies 7. Alin sa mag sumusunod ang hindi salik sa pag-usbong ng piyudalismo? a. Paglusob ng mga barbaro b. Paghina ng kapangyarihan ng hari c. Paglakas ng kalakalan d. Pagsasamantala ng malalakas na local na pamahalaan 8. Ang tirahan ng mga panginoong piyudal ay ang a. kamalig b. kastilyo c. palaruan d. kumbento 9. Ang sistemang piyudal ay umiral dahil a. Ang mga maharlika ay humingi ng proteksyon b. Marami ang naging kabalyero c. Ang hari ay naging makapangyarihan d. Ang simbahan ay sumuporta sa hari 10. Isa sa mga salik sa pag-unlad ng bayan ay a. Pagkakaroon ng mga magagandang daan b. Pag-usbong ng mga guild c. Paglitaw ng mga kabalyero d. Pagbagsak ng Roma
  • 22. 22 GABAY SA PAGWAWASTO: PANIMULANG PAGSUSULIT 1. B 2. B 3. C 4. C 5. D 6. C 7. B 8. B 9. B 10.D PANGHULING PAGSUSULIT 1. C 2. B 3. B 4. B 5. C 6. B 7. C 8. B 9. A 10.A